7.30.2006

Kapag itong Film Major na 'to ang nag-review, lagot ang dinosaur

"Superman was in Manila at 10:55."
--sabi-sabi sa Superman Returns

Sa wakas, nakapanood na ko sa IMAX Theater sa SM Mall of Asia (kung saan bawal maligaw). Ang pinanood ko, isa pang sa wakas, Superman Returns.

Wow, ibang klase.

Ang laki ng moviescreen. Sabi ng voice-over, "eight storeys high" daw, pero hindi ako naniwala. Two storeys high lang ang SM Mall of Asia e. Pero hindi na ako nag-effort magreklamo. Hindi rin naman ako maririnig ni Voice-Over.

Nang magsimula na ang trailer para sa T-Rex: Age of Crutaceous, buti na lang hindi na ako nagreklamo sa eight storeys. Kahit marinig pa ako ni Voice-Over.

* * *

Nang sinuot ko na ang 3D glasses, wow, nabuhay ang nasa screen. Hindi parang pelikula lang. Parang nasa harap mo na talaga. Parang totoo.

Parang totoo, na nung lumipad si Superman, may mga batang pilit siyang inaabot. Parang two feet away lang.

Parang totoo, na nung nag-pa-practice si batang Clark Kent lumipad, parang andun ka lang katabi niya.

Parang totoo, na nung binuka na ng hinayupak na T-Rex ang kanyang hinayupak na bunganga sa trailer ng T-Rex, parang huling araw mo na sa Earth.

Wag mo akong pagtawanan kung umilag ako nang OA. Nanigurado lang.

* * *


Mr. Henry Sy, salamat na "eight storeys high lang" ang screen ng IMAX Theater.
Hindi ko na kaya na mas malaki pa sa eight storeys ang hinayupak na T-Rex na yun

Pero kung si Johnny Depp, sige,kahit 12 storeys high. Wag lang bilang dinosaur.

* * *

In fairness sa Superman Returns, nagustuhan ko, kahit hindi ako superhero movie fan. Nagustuhan ko ang pagka-direk. Nagustuhan ko ang mga shots na ginamit. Nagustuhan ko ang musical score.

Sayang nga lang na halos 15 minutes lang ang 3D parts ng pelikula.

Sabagay, kung nag-uusap lang naman si Lois Lane at ang kanyang boss ang sequence, hindi na kailangang i-3D pa.

Unless mag-special apperance si hinayupak na T-Rex.

Bad suggestion. Nawa ay hindi ako narinig ni Voice-Over.

* * *

Isa ako sa labis na naka-miss kay Rachel Greene sa Friends. Kaya ko rin siguro pinanood talaga ang The Break-Up starring Jennifer Aniston. Na parang si Rachel Greene pa rin.

Ang ganda. Ang gaan. Hindi na kailangang mag-isip. (Ipaubaya na yun sa totoong buhay.)

Nga lang, yung ending, hindi ko masyadong nagustuhan. Pangalawang version pala yun ng ending dahil mababa ang ratings na ibinigay ng test audience sa original ending.

Sayang, mas gusto ko pa naman yung original ending. Tipong mas mahaba pa dapat ang ngiti ko e, tapos biglang, ay.

The point is, napangiti pa rin ako.

* * *

"Ang almusal ay agahan."
--Martir Niyebera ng Kamikazee, version ni Ilaya

Isang Joyce, Dalawa Pang Joyce, at Isang Fan ng Isang Joyce

Sa kasagsagan ng kangaragan ng pag-edit ng nominees' video para sa Piling Obrang Video 2005 (last year) ng aking film org UP CINEMA, tinext ko si orgmate Joyce Cruz.

"Joyce, favor nman. Paki-txt naman sakin yung names ng nominess sa Best Director, Best Cinematograpy, Best Production Design, Best Actor, Best Screenplay, Best Editing. Sori kailangan lang talaga namin para matapos na kmi agad. Salamat."

Ang tagal ng reply. Urgent, urgent.


2366, wag kang magkamaling magtext ngayon, kundi mapapatay kita.

Matapos ang sampung minuto, sa wakas, nagreply si Joyce: "Sino po cla?"

Syet. Wrong send.

Si Joyce Bernal.

* * *

At in fairness sa 2366, iba ang nagkamaling magtext. Ayoko nga lang patayin ang sarili ko.

* * *

Isa akong fan ni Bb. Joyce Bernal.

Inaamin ko, hindi ko napanood ang karamihan sa mga nagawa niyang pelikula. Pero naging paborito ko agad ang Don't Give Up On Us. At pinanood ko ang Till There Was You ng opening day sa SM Megamall. At hindi na ako makapaghintay sa susunod niyang romantic comedy. Opening day ako, promise.

Pero kung si Judy Ann at Piolo uli, premiere night.

* * *

Ako ang nag-volunteer na kumontak kay Direk Joyce para maging speaker siya sa directing seminar para sa mga miyembro at aplikante ng UP CINEMA.

At nung July 26, naganap ang seminar sa Palma Hall sa UP kasama si Direk Mae Cruz (Because of You, Mga Anghel na Walang Langit).

Ang masasabi ko lang, wow. At Direk Joyce, pa-picture po.

* * *

Text sakin ni project head Frances Mortel (na paborito ko sa UP CINEMA) dalawang gabi bago ang seminar: "Tonet, ok lang bang ikaw ang mag-introduce kay Bb. Joyce sa seminar?"

Napatigil ako.

Frances, isang karangalan.

* * *

Sa Google, nag-search ako ng filmography at biography ni Direk Joyce: JOYCE BERNAL FILMOGRAPHY BIOGRAPHY.

At tsaraaaan.

May lumabas na website ni Joyce Jimenez.

Saan? Saan ako nagkamali??

* * *

"Nung editor kasi ako, kapag gusto ko yung pelikula, nilalagyan ko ng 'Bb.' yung pangalan ko. Pag hindi ko gusto yung pelikula, di ko nilalagayan.... E bakit ba kasi nangengealam kayo? E sa gusto kong ganun e!"
--Bb. Joyce Bernal, nung tinanong siya kung bakit niya nilalagyan ng Bb. ang pangalan niya

“Kung si Judy Ann at Onemig Bondoc [mga artista nya sa I’m Sorry My Love, first film nya] lang naman ang ididirek ko, gagamit pa ba ako ng style ni Wong Kar Wai?? Helloooo.”
--Bb. Joyce Bernal, explaining her supposed “style”

"Bilang editor, ang isang sobrang pangit na pelikula, hindi ko pwedeng pagandahin, pero pwede kong gawing konting pangit.... So paglabas ng audience sa sinehan, iisipin niya, 'Teka, parang ang pangit ng pelikulang yun.' Parang pangit lang. Hindi siya sigurado. At least hindi niya sinabing pangit talaga."
--Bb. Joyce Bernal, maparaang film editor

"Dati, nung nag-direk ako for TV, sinabi sakin ng producer ko, 'Joyce, kailangan mo mag-shoot ng 56 sequences in one day.' E helloooooo, 56 sequences?? So sabi ko, 'Sige po, ishu-shoot ko yan, pero pangit.' Ok lang daw. So shinoot ko nga. Ayun, pangit nga."
--Bb. Joyce Bernal, proving that she loves directing films more than TV

"Kami kasi ni Boss Vic [del Rosario, ng Viva Films], may personal na relasyon na kami niyan e. (pauses nang makita ang reaksyon ng mga tao) Pero hindi sekswal ha! Malaking boobs ang gusto ni Boss Vic. Wala ako nun! Pero kung pwede na siya dito (points to her chest), sige, ibibigay ko, mabigyan lang ako ng pelikula."
--Bb. Joyce Bernal on her directorial break given by Vic del Rosario

"Kapag may dinederek ako, paggising ko, yun ang iniisip ko. Pag tulog ako, yun ang iniisip ko. Pag kumakain ako, pag tumatae ako, yun ang iniisip ko. Pelikula na ang buhay ko e."
--Bb. Joyce Bernal, film director

* * *

Pagkatapos ng bentang-bentang talk ni Direk Joyce, at pagkatapos mabahiran ng madaming bagay ang isip ko, bumalik sa akin ang pagka-gusto kong maging isang mainstream film director. Courtesy of Bb. Joyce Bernal.

Oo, sunud-sunuran ka nga sa producer mo. Oo, pagbibigyan mo ang audience. Oo, kailangan kumita.

Pero ang sarap nga siguro ng feeling na pinilahan ang pelikula mo. Na sa halos lahat ng sinehan palabas ang pelikula ko. Na mula sa kolehiyala hanggang sa yuppie hanggang sa taxi driver hanggang sa labandera ay nakapanood ng pelikula mo. Na madami kang napasaya.

At dahil diyan, magiging direktor ako.

* * *

Direk Joyce, salamat sa sa pagpapatawa at pagpapakilig sa Till There Ws You. At sa mas lalong pagpatawa at pagpakilig sa Don't Give Up On Us. Sa “Oki.” at “Hahaha!” at “Hi Tonette!” At sa masayang picture sa aking cellphone. For the second time.

Fan na kung fan. Ni Joyce Bernal naman.

* * *

"Alam mo kung anong gusto kong sabihin sayo? Putang ina mo."
--Judy Ann kay Piolo sa Till There Was You