8.15.2007

7.13.2007

teacher, may I go to the washroom?

Seven years ago, I was in a short queue (relative to UP pilahan) at the Registrar’s Office at my high school alma mater, St. Paul, Pasig, about to pay for my elective class. I chose Painting, since I really wanted to learn how to paint. While in line, I asked around who were going to enrol for Painting elective class. Mae Ramos. Mai Sibayan. Val Calma. Ah okay. Sila lang naman yung mga artists ng batch namin. Tipong kapag pinag-drawing mo sila ng tao, tao nga ang ido-draw. Hindi man lang stick people. Hmph, obedient. Tse.

When it was my turn to pay for Painting, then and there, I just changed my mind (fickle na pala ako dati pa): “Ate, Video Production na lang po ako.” Yes, ladies and gentlemen, I chickened out, thank you very much.

At iyon ang pinakamagandang pagkakatawang-manok ko sa aking buhay-tao.

I enjoyed my Video Production class so much that in college, I shifted to Film after only a year as a Broadcast Communication major (na wala pang na-te-take na Broad Comm subjects ni isa). To this day, I credit my Video Prod teacher, Ms. Kathlyn Pike, for making me realize that I want to be a director.

Seven years later, I credit Ms. Pike for making me want to be a Video Production teacher myself. In the same school.

I now am.

“Ms. Tonette” ang itawag nyo sa akin.

I wanted our first day of class to be light and fun. (In school, I hated teachers who would start the year with a lesson. Tse.) That day, I got to know 11 new faces (two were absent). Dalawa lang ang naalala kong pangalan. Jenica. Ances. Sila lang ang may nametag.

Assignment #1: Class, next week, please wear a name tag. (Kung ayaw nyong matawag na "Yes?" tuwing mag-re-recite.)

As expected, my class (just like most Pinoys) hardly ever watch Pinoy films. I asked one of them, “What’s the last Filipino film you’ve seen?” After a while, she said, “Pinay Pie.” Ay kamusta ka naman. That Star Cinema film (starring Ai-ai delas Alas) was released some four years ago! Sad. Pero in fairness, ako nga, hindi napanood yun e.

I took that as a cue. I asked them if they know of the Lino Brocka. No daw. Huwat?! I asked them if they know of the Ishmael Bernal. No din daw. Huwaaaaat?! (My huwaat was very audible, by the way.) I asked them if they of Joyce Bernal. Their faces lit up. “Yeeeeees!!!” Huwaaaaw.

Aba, aba. In fairness kay Direk Joyce. Mas sikat pa kina Brocka at Ishma. Pero hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. So na-alarm na lang ako.

Mental note to self: Make them watch as many Brocka and Bernal films as possible. Both Bernals.

After some time, I was already blabbing about incoherent anecdotes on how much TV commercial directors are paid, Paano Kita Iibigin?, the haunting last scene in Ishma’s Ikaw ay Akin, UP, my high school batch, et cetera et cetera. I was actually waiting for the dismissal bell to ring; it never came. I ended my class fifteen minutes overtime. With a prayer.

Tsk. In school, I hated teachers who would end their class late, but class, please don’t hate me yet. I have the whole school year to make up for that. At gawin kayong mga direktor.

I’m loving this so far. Dear God, salamat po.

And “St. Paul, pray for us.”#

6.18.2007

long-overdue perspective

That Saturday was the start of a new perspective.

It took me an unusually long text conversation with a long-lost friend and a long e-mail from a faraway friend to finally realize how much time I've wasted dwelling on pointless and unhealthy things.

Aruy. Nabatukan ako dun a. Pero nakangiti.

Ang pinakamasarap na batok ay 'yung galing sa kaibigan.

5.24.2007

In the tradition of "The Year That Was": The Film ("Paano Kita Iibigin") That Was

Sa loob ng limang buwan, ito ang naging semi-buhay ko. Tsk, kapag isang pelikula pala ang ginawa mong semi-buhay, parang buong buhay mo na rin. E si Direk Joyce Bernal pa ang direktor, edi namatay na 'ko. Sa madaling salita, sa loob ng limang buwan, ako ay nabuhay, namatay, at nabuhay na mag-uli. Pero hindi pa naman ako Diyos. Sa dami ng pagkakamali ko bilang script continuity supervisor, o "script con" (tulad ng lulubog-lilitaw na relo ni Piolo, at ng naglalahong itlog sa plato na nagiging corned beef), alam kong taong-tao pa rin ako.

Ang daming hindi ko malilimutan bilang tao.

Tulad nung actors' workshop sa may PETA Building (November 2006) kung saan una kong nakita si Piolo Pascual bilang tao at na wala sa Don't Give Up on Us o sa Till There Was You. Nalaman kong totoo ang tsismis: Gwapo nga siya.

Tulad nung unang dalawang shooting days namin sa BMW Auto Haus-e-Telecare at bahay sa Sampaloc, Manila kung saan ang dami kong mali (e.g. nag-iibang damit ni Quintin Alianza (bilang "Liam", hikaing anak ni "Martee", o ang kumulubot na bra strap ni Ms. Regine Velasquez (bilang "Martee")). Kung saan nalaman kong ang script con din pala ang bahala sa pag-sundo at paghatid sa mga artista sa stand-by area nila, sa pagbato at pagpa-memorize ng mga linya sa artista at ang pinaka-enjoy (nung panahong yun), sa pagiging ka-eksena ni Ms. Regine o Piolo kapag off-cam ang kasagutan ng linya. (Dahil pati ako, dinidirek ni Direk Joyce: "Tonette, sa word na to, dapat taasan mo na ang pagsigaw dyan ha." Uh, yes, Direk? Oily na po ako!)

Tulad nung unang nagpunta ako sa condo ni Direk Joyce para mag-research. (Kurot sa sarili.)

Tulad nung nag-night swimming kami sa dagat ng Botolan, Zambales (location ng pelikula) habang umiinom ng San Mig Light, nakatingin sa mga malapit na bituin, at nakikinig sa mga kwento at pananaw ni Direk Joyce. (Sa puntong ito, hindi ako makapniwala na ka-trabaho ko na ang direktor ng paborito kong Don't Give Up On Us. At tumatagay pa sa harap ko.)

Tulad nung naging cause of delay ako ng sampung minuto dahil sa nawawalang props na takong ni Ms. Regine (na dinala ng aming wardrobe sa pagpunta nya sa canteen, kamusta naman). Sunud-sunod ang "Tonet, nasan na?" at "Continuity yan, Tonet" ni Direk Joyce sa mic. Pagkatapos ng eksena, nag-sorry ako kay Direk Joyce. Sabi nya: "Okay lang yan. Ganyan talaga pag nagsisimula, nagkakamali." Sabay suntok sa braso ko: "Adik ka."

Tulad nung first name basis na kami ng mga crew ng mga PA at kasama ng mga artista, at lalo nina sir Piolo at Ms. Regine. (Sabi pa ni Ms. Regine: "Tonet, dati napaka-mahiyain mo. Ngayon, kumakapal ka na rin parang si Joyce a.")

Tulad nung malaman ko ang mga terminong pampelikula: love scene (para sa "sex scene"), death scene, happy moments (para sa montage ng mga kakiligan), flatbed (kung saan ipapatong ang vehicle para makunan nang maayos sa tracking shot), konseptong run out (kapag ubos na ang 400ft sa film roll), MOS (kapag walang audio). At iba pa, na hindi ko naman natutunan sa apat na taon ko sa UP Film.

Tulad nung isang shooting day sa may Tanauan, Batangas (hangar, kung saan maglo-love scene at kung saan mag-iiyakan) kung saan inabutan ako ni Direk Joyce ng San Mig Light habang nag-shu-shoot. Sabi ko: "Direk, di po ako umiinom." Sabi nya: "Uminom ka. Mas masarap uminom habang nagtatrabaho." Edi inom naman ako. Sabi nya: "O diba, mas masarap?" Hindi naman e.

Tulad nung isang gabi sa Botolan, pagkatapos ng isang masamang shooting day. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame, biglang nag-open up si Ayrin, ang astig na assistant director namin (na dating scriptcon ni Direk Joyce at hindi ako pinapabayaan) tungkol sa sistemang bulok ng pelikula: mga personalan, mga palakasan, mga sipsipan, mga perahan. Ito ang industriyang haharapin namin: pakalunod ka o mag-salbabida. I say, langoy-aso.

Tulad nung isang gabi sa may beach habang hinihintay naming humupa ang mga alon, nagkwento si sir Piolo tungkol sa kanila ni Judy Ann Santos. Napatulala ako. Sabay, haaaay.

Tulad nung pinasulat ako ni Direk Joyce ng isang eksena (nung ginamot ni Martee si Lance matapos sila sagipin sa almost pagkalunod). Nung binigay ko kay Direk Joyce ang script, natawa siya at kumantiyaw. Nung binigay niya sakin yung final script para sa eksena na yun, nagulat ako: ginamit nya yung script ko. (Postscript: Na-reshoot ang eksena.)

Tulad nung ma-pack up kami ng 4am sa Lipa, Batangas (para sa nakakaiyak na final scene. Naluha ako) tapos diretso sa Majayjay, Laguna (para sa almost pagkalunod scene) para sa 7am na calltime. O nung limang araw na dire-diretsong shooting sa Zambales nang walang uwian. Pero masarap.

Tulad nung last shooting day namin sa Botolan. (Sa pelikula pala, may kulturang "pa-last day" kung saan nagreregalo ang mga artista sa lahat. Sabi, si Ms. Regine daw ang pinaka-bongga magpa-last day sa lahat. Bonggang-bongga nga.) Kung saan nagka-free concert si Ms. Regine (ng isang kanta lang naman). Kung saan nagpa-raffle na pwedeng makakuha ng flat screen TV, cellphone, DVD player, turbo broiler at iba pa. Ang napanalunan ko: desk fan. Fine.

Tulad nung sinabi ni Direk Joyce nung antok na antok na kami ni Ayrin: "Ang mga alaga ko, bagsak na agad." Sarap pakinggan.

Tulad nung pinapanood sa'min ni Direk Joyce ang first edit ng pelikula. Kahit ilang beses ko na napanood mula sa dubbing, naiyak ako. (Maganda ang pelikula. Peksman.)

Tulad nung sinabi ni Direk sa dubbing supervisor: "Papuntahin mo si Tonet sa dubbing bukas a." Sabi ni dubbing supervisor, ang mga ibang scriptcon daw kasi, hindi na nagpupunta sa dubbing kasi wala nang bayad yun. Sabi ni Direk Joyce: "Ay hindi, pupunta yun si Tonet. Willing matuto yun. Mag-di-direk sila ni Ayrin." Napangiti na lang ako.

Tulad nung buong pelikula, mula umpisa hanggang dulo. Ang sarap pa rin pala gumawa ng pelikula (kahit di mo maaasahan sa pera). Sa uulitin po, Direk Joyce.

Paano Kita Iibigin, in theaters on May 30. Premiere Night on May 29, SM Megamall Cinema 10. Directed by Bb. Joyce Bernal. Nakakatawa, nakaka-iyak. Maganda. Manonood ka ba?

5.13.2007

Ang pelikulang Joyce Bernal-Piolo Pascual. Ay, andito rin si Regine Velasquez.

May 30. Hindi tulad ng pa-importanteng Spiderman 3, hindi lang ito ang palabas sa mga SM Cinemas, pero panoorin pa rin natin ito. (Unang beses kong makikita ang aking pangalan sa closing credits ng isang mainstream na pelikula sa SM Megamall Cinema 10. Sorry manong guard, magdadala talaga ako ng camera. Hanapin mo sa bag ko, tse!)

Pero hindi pa tapos ang shooting namin (na December 2006 pa nagsimula. Inabutan na kami ng Happy New Year, ng Happy Valentine's Day, ng Happy Birthday ni Piolo Pascual, ng Happy Birthday ko, ng Happy Birthday ni Ms. Regine Velasquez, ng Happy Birthday ni Direk Joyce Bernal, ng pagsilang ng anak ni Kris Aquino, ng Labor Day at pati ng paghihiwalay ni Ruffa Gutierez at Yilmaz Bektas. Parang awa n'yo na, wag na sana kami abutan ng pagbabati nila).

May apat na araw pa (Batangas-Batangas-Laguna-Zambales), kasama na ang ending na may rain effect (kung papayag ang may-ari ng resort).
Promise, ang todo-promote at kwento ko, pagka-last day namin. (Sana nga magka-last day kami.)


Paano Kita Iibigin. Directed by Bb. Joyce Bernal. Starring Piolo Pascual, Regine Velasquez, Eugene Domingo, Quintin Alianza. Also Starring Iya Villania, Hyubs Azarcon, Erich Gonzales, Gian Teri, Robin Daroza, Jett Pangan, Paw Diaz, JC Cuadrado. Produced by Star Cinema and Viva Films.

4.25.2007

The Revenge of Letter B (or a Boring History of Learning How to Write)

(Note: I started writing this around November 2006 when I just "resigned" (or took a leave?) from my previous "job" as trainee Production Assistant in a production house to finally be part of a mainstream film production with my favorite director Joyce Bernal. The film did not start filming until late December. I finished writing this essay in January 2007, when the filming stopped because of major script revisions. (At hindi pa ito tapos hanggang ngayon. Ano'ng petsa na?) Na-bore nako sa pagtengga sa bahay. Ayan, napa-English tuloy ako.)

The letter “b” on my sister’s laptop has finally agreed to serve its purpose as a member of the keyboard again. Actually, I perfectly understand its month-long apathy after I accidentally spilled ice-cold water on it. (Then again, letters h, g and v had a taste of the water too, but they weren’t as indifferent. Baka uhaw.) For a month, I had been doing the copy-and-paste routine whenever I wanted a letter “b” on my sentences.

Buti na lang hindi Ctrl+B ang copy-and-paste.

On other moments, like while in a typing rush in Yahoo Messenger, I was too in a hurry to actually put the “b” where it needed to be. I just trusted the quick syntax judgment of my chatmates that they’d understand what I was talking about even without that prima donna letter. Ahala na si atman.

I was in the middle of another typing rush when I spilled that glass of water on this laptop. It was my dream essay for that moment, so I was more focused on running after the sudden surge of words in my head than wiping the water off the keyboard. Too late, letter “b” has already gone on an unplanned sabbatical. After more than a month of serious writer’s block, my supposed non-concern for the keyboard’s welfare (in favor of finally finishing the essay) was perfectly understandable.

Letter b, I’m beginning to write again. Please cooperate.

* * *

I did not grow up wanting to be a writer. It was just not one of the popular default ambitions of most prep students--teacher, doctor (or veterinarian, if you can pronounce it right) or artista (via That’s, Saturday Edition). On my non-conformist days, I remember wanting to be a sportscaster, a synchronized swimmer and an architect. Today, I am not any of those: I am scared of syringes and blood, I did not grow tall enough to interview a basketball player (if only to be inside the camera frame at all), and my most perfected swimming stroke is the ever-reliable langoy-aso. (Ironically, I am not a veterinarian too.) Along with being a film director, it was the non-ambition “to be a writer” that I pursued--unconsciously.

Still, Kuya Germs, it was your and Saturday Edition’s loss.

There was self-inflicted “stress” in college (which translates to simple pag-iinarte relative to Real World stress), and that became my initial motivation to write. At that time, the popular and easy realization of “to write” did not include pen and paper but a keyboard and the world-wide web. Yes, I began to blog. When under stress, being tolerated for my shallowness and spontaneity is manna from Blogdrive heaven. Using my prep-level expertise on HTML (which produced a tacky layout reminiscent of a picnic cloth), I talked about free Masculados ringtones, Cassandra Ponti, my grudge towards Pong Pagong, the T-Rex at the I-Max, MRT rush hours, and overheard tsismis from FX passengers, among others. By normal journalist standards, that is not legitimate writing of course, but still, it was where I began to want to write--consciously.

Later on, when my blog visitors were no longer limited to my non-layout judgmental friends and already extended to the “accidental visitors” (or the disoriented victims of Google search), I knew there was something more to writing than just being a virtual Stresstabs. It meant a lot when a virtual stranger (who may’ve actually Googled for “Cassandra Ponti”. Very likely) actually tags how I made him laugh and even comes back, or when a friend comments on how I write. In the tradition of my being shallow, those simple tags and comments made my day. I discovered that rewarding feeling of being read. Sorry Stresstabs, you just lost one customer to a tagboard.

Blog and blog readers, thank you for keeping me sane. I owe you my mental hospital bill.

* * *

Well, that was the case prior to Real World stress. (Ironically, in my timeline, that was pre-Boom Tarat Tarat too.) At the end of a tiring and frustrating day, writing was simply not on the priority to-do list anymore. There was, of course, watching (the last minutes of) Deal or No Deal, cursing and being dramatic, staring at the ceiling and listening to the brilliant music of the butiki, and before there was even time to write, sleep is already as welcoming as ever. Besides, writing and whining about “life” is already unoriginal and redundant, so why repeat myself? That’s what the blog archives are for. Thank you, dear stress, you made me forget how to write and everything nice that goes with it. You’d owe me my mental hospital bill. And two Stresstabs.

Then again, there is something about writing that makes you not forget about it completely. Buti na lang.

Now, I begin to miss writing. I miss writing then being read. In true character, writing is now saving me again from stress (and its fellow citizens, frustration and boredom) before bedtime. Suddenly, the musical ability of our resident butiki is not as delightful as before.

So letter b, don’t disappear on me now. And please pass the message to your co-keyboard keys. I’m beginning to want to write again. Bahala na si Batman. #

4.02.2007

Habang nanonood ng replay ng Survivor at pinipilit tapusin (o simulan) ang ineedit na raket sa halagang P1,500

Sabi ni Mama sa'kin, "Basahin mo 'tong librong 'to." Sabay bigay sakin ng The Secret ni Rhonda Byrne.

"E hindi naman ako nagbabasa ng libro e," sabi ko.

"Basta basahin mo. Sabi sa dyaryo, lahat daw ng nakabasa nyan, nagbabagong-buhay."

Ay.

"Wag ka masyado magulo. Baka mawalan ka ng out of balance."
--Eugene Domingo, isa sa kanyang mga joke time sa shoot ng Regine-Piolo na pelikula (na June 4 ang tentative playdate)

"They always say we don't know what we've got till it's gone. The truth is, we've always known what we've got. We just didn't know we'd lose them."
--[di ko na maalala kung sino nagsabi. Bast hindi ako]

Pakinggan: Sundo ng Imago. (Pansamantalang kalimutan na sila rin ang sumulat ng animo'y theme song ng Let's Go na Tara Lets (Tara Tara Tara Lets) at ang mala-ATBP song na Anino (Isa, Dalawa, Tatlo)). In the tradition of Akap at Taning: "Asahan mo / mula ngayon / pag-big ko'y / sa'yo." Sa wakas, ayan uli ang Imago. Woohoo.

May nakita akong tarpaulin sa isang sari-sari store malapit sa highway: "Vote FPJM [FPJ for President Movement] for Party-List."

Ay. At ano'ng plataporma nyo, mga ser? Ibalik si FPJ sa pagkabuhay?

3.13.2007

6 Ways to Say "Buhay Pa 'Ko"

1. Opportunity knocks once, pero madalas, iniiwan niya ang kanyang cellphone number. (At kapag iniwan niya pati ang kanyang address, sino'ng nagsabing once ka lang pwedeng mag-knock? Doorbell pa kamo.)

2.
Even after all this time
the Sun never says to the Earth,
"You owe me."

Look what happens
with a Love like that;

it lights the whole sky.

-Hafiz

3. Minahal ni Piolo Pascual si Judy Ann Santos. Pero. (Tsk, pero, ganyan ba ang misyon mo sa mundo? Ang maging masakit na punchline?)

4. Nagpakamatay daw si Maningning Miclat* dahil sa palagay niya ay naranasan na niya ang lahat ng pwedeng maranasan, maliban sa mamatay. Bakit, naranasan na ba niya ang makain ng pating? Ang matanggalan ng ilong? Ang mabunutan ng wisdom teeth nang walang anesthesia? Hay, marami nga ang namamatay sa maling akala. (Pero sabagay, kung dadanasin nga nya lahat-lahat ng pwedeng maranasan, baka hindi na siya mamatay sa dami. E sa langit, imortal.)

5. Sa gabi, mas masarap magtampisaw sa dagat. Mas dama ang buwan, ang bituin, at San Mig Light (o wine, depende sa sosi level ng esophagus). Mas masarap humiling kay "first star I see tonight" na pinaka-maningning. Wag lang niyang sasabihin: "Excuse me. Hindi ako star. Venus ako." Tse.

6. Minsan, masi-sitcom tayo ni God, at tayo ang punchline. Tapos biglang maaalala mo ang mga panahong parang nasa "The Maricel Soriano Drama Special" ang buhay. At parang on cue ni Direk, mapapangiti ka na lang. Sabay "acheche".

* The Maningning Miclat Art Foundation, Inc. (MMAFI) is calling on young poets writing in Filipino, English and Chinese (special mention Ayn Dimaya, Mace Mateo and Glenn Ituriaga) to participate in the 2007 Maningning Poetry Competition. Maningning Miclat was a multi-awarded artist, trilingual poet and creative writer, translator and teacher. Miclat has been anthologized in Beijing in a book featuring the World's Top 39 women poets writing in Chinese, which included her. (http://dalityapi.com/mambo)

3.02.2007

Para sa mga walang panahon mag-tupi ng damit, may tip si ate

Panoorin ito*. Para ito sa kinabukasan mo at sa kinabukasan ng iyong oras, at malay natin, baka para na rin sa bayan. 22 seconds lang, mas mabilis pa sa commercial break ng Game KNB. (At pustahan tayo, i-pe-play mo ito ng isa pang beses, at isa pa.)

*Courtesy of Glenn's search powers

2.26.2007

With apologies to Rivermaya: "Panahon na naman..."

Gusto ko yung plug ng Studio 23 na Y-Vote with Epy Quizon: (not exact words) "Kung madami kang reklamo at gustong baguhin sa gobyerno, pwes, bumoto ka."

2.25.2007

In the tradition of the Dreamers of Pinoy Dream Academy

Grabe. Bineso ako ni Piolo Pascual pagka-pack up ng shooting ng Day 7 ng pelikula nila ni "I'm freakin" Regine Velasquez (na dinedirek ni Bb. Joyce Bernal).

(Sasabihin ko sanang "pwede na'kong mamatay" kaso nga lang, napaka-showbiz naman ng magiging headline ng pagkamatay ko if ever. "Babae, namatay dahil sa beso ni Piolo." Pwe.)

Sa mga nagsasabing bading si Piolo, wala akong lakas ng intestines na tanungin sa kanya. Malamang mainis siya. And then, just like that, my beso will be at stake.

Minsan na nga lang ako bumeso, at stake pa. Noooo.

* * *

"Ang ganda naman ng pagka-make-up mo. Parang natutulog lang."
--Joyce Bernal, pabirong koment sa make-up artist na nag-make up sa isang extra (na sa film lingo pala ay "talent" ang tawag)

* * *

Sa June daw magtatapos ang shooting (pati na rin ang playdate) ng pelikulang yun. Sa June din ang palugit ko sa sarili ko kung pelikulang mainstream ba (bilang script continuity) o advertising (bilang trainee PA uli) ang kakaririn ko para matupad ko ang comebacking pangarap ko na maging direktor.

(Sabi mo nga, Mez (ang babaeng nakakasagot ng mga tanong ko kahit dis-oras ng gabi tungkol sa minimum wage, TIN, at Toad the Wet Sprocket), "pwede namang magbago ng strategy mid-game.")

June? Tsk, limang buwan pa pala. Sana by then, pangarap ko pa rin yun.

Psst, sa mga nangangarap kahit malapit na sa maintaining balance ang pera sa ATM at madalas di na maabutan ang "Maging Sino Ka Man" at parang artista na ang level ng pagpupuyat, mabuhay ka. As in wag hayaang mamatay (ang sarili at ang pangarap).

:)

2.09.2007

:O (OA na gulat)

"Patay na si Anna Nicole Smith," sabi sakin ni Glenn, writer para sa astig na online gaming company sa Pilipinas, sa YM.

Nagulat ako. (Tipong lahat ng susunod kong reply tungkol dun ay nagtatapos sa tatlong question marks. Apat kapag nasobrahan sa pagpindot.) Hindi kasing-gulat nung namatay si Rico Yan (RIP), pero nagulat ako.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulat: na patay na nga si Anna Nicole Smith, o na mas una pang nalaman ni Glenn ang balita kesa sakin.

Nakapagtataka.

(Note: Hindi muna ako naniwala. Kinonfirm ko muna sa Yahoo! News, at congratulations Glenn, pwede ka nang mag-proxy kay Angelique Lazo. Enter "This Thing (This Thing) Called Love (Called Love).")

2.01.2007

Sabi ng traffic light, stop (edited)

Gusto ko sanang isulat ang nararamdaman. Mas mabilis nga lang pindutin ang backspace kesa mga letrang may sinasabi. (Gaya ng lagi kong ginagawa.)

Sinasabi ko laging wag akong mag-alala, dahil nasa akin ang huling halaklak. Sana pagdating nun, hindi ko pa nakakalimutan kung pano'ng tumawa.

(Biglang pinatugtog ng kapitbahay sa kanilang malakas na radyo ang With A Smile ng E-heads. Konting decibels lang ang lamang kapag nagpapatugtog sila tuwing Bagong Taon. At least, napatunayan kong hindi ko pa rin nakakalimutan kung pano'ng ngumiti.)

(Ser Ely Buendia, mabuhay ka. As in, huwag kang mamatay. Please.)

(Ang tanga ko, ang dali nga lang pala ngumiti. Salamat a.)

(Hindi ko sinasadya, pero isa rin itong pagpupugay sa mga parentheses. Wag kayong mainggit sa mga period o sa comma. At least ikaw, may karapatan laging sumingit.)

1.27.2007

Nang kinausap ko ang sarili nang maraming beses

Sa MRT, sa pambabae na tren, pauwi mula panonood ng Stranger Than Fiction, napansin ko ang isang (ambient) ad ng Rexona sa may malapit sa kisame: "Mr. Right could be standing next to you."

Inuulit ko, nasa pambabaeng tren ako. So Rexona, si Mr. Right ay maaaring lolo na (na malamang ay nakaupo), o lalaking may asawa na at may baby pa, o lalaking baby pa.

Sabagay, hindi naman sinabi ni Rexona na "Mr. Right, who could already be thrice your age, or already married with two kids, could be standing next to you." Okay, Rexona, you're forgiven.
* * *
Ngayong naki(ki)ta ko na kung paano magtrabaho sa isang mainstream na full-length na pelikula, nasabi ko sa sarili ko: "Syet, diba gusto kong maging direktor ng pelikula?" Sabay isip.

Paggising ko kaninang umaga (yung totoong gising na hindi pumipikit uli after five seconds), bigla ko lang sinabi sa sarili ko: "Syet, gusto kong mag-direk uli ng commercial." Sabay hinayang.

Tapos, napatigil ako: "Syet." At napa-buntung-hininga. "Hindi na naman ako nakapanood ng Maging Sino Ka Man kagabi."
* * *
Kakarinig ko lang ng version ng 6cyclemind ng isa sa pinakagusto kong OPM rock na kanta, ang "Prinsesa" ng Teeth. Sa totoo lang, nagandahan ako kasi ibang version nga naman. Ngunit.

Kelan lang ba sumikat ang "Prinsesa"? E diba, mid-90's lang yun? Hindi ko pa nga nalalasap nang tuluyan, may bagong pagkaluto na naman? Parang kahapon lang yun e, dagdagan lang ng isang dekada.
Tsk. Sana ni-revive nyo na rin ang Introvoys.
* * *
Naisip ko lang, at nasabi ko rin sa sarili ko, "Live in such a way that when someone tells another that s/he reminds her of you, she will be flattered, not offended."

1.24.2007

My favorite Sorsogon feature is this feature (among other features)

Ang cancer patient at ang tatlong masunurin nung sinabing "smile and show your ipin" (clockwise): si Ako, si Ethel Francisco, si Mace "Vannesa, yung N yung doble" Mateo, Tidoy "Vanessa, yung S yung doble" Abastillas at ang pa-importanteng mapang-takip na upuan sa van
(Upang magbalik-tanaw sa paglalakbay sa Sorsogon kasama si Caloy at si Butanding, basahin muli dito.)

1.07.2007

A Non-Director, A Director, APO

"Masakit talaga matalo. Kung gusto nyo ng mga quality films, hindi siguro dito ang audience nyo."
--Metro Manila Development Authority (MMDA) Bayani Fernando on the 2006 Metro Manila Film Festival (MMFF) controversy

Ser, kung ganyan kababa ang tingin mo sa pelikulang Pilipino at sa mga tumatangkilik nito, bakit ikaw pa rin ang chairman ng MMFF committee? Kung ganyan din lang, edi ako na lang. (Joke.)

Teka, ano nga ba ang ginagawa ng MMDA sa isang supposedly cultural at artistic na kaganapan? Ah, traffic flow ng mga float sa Parade of Stars.

* * *
"Ay, ayoko ng wala masyadong liver."
--Direk Joyce Bernal nang tanungin kung type ba niya si Direk Lino Cayetano (na nag-donate dati ng liver sa kanyang Dad, the late Senator Rene Cayetano)

"Uy, wag kayong ganyan. Pumayat na si Sharon [Cuneta] ha. Kumpara sa kanya."
--Direk Joyce Bernal nang marinig na tumaba na naman si Sharon

"Para kay Mrs. Javier. Para kay Mrs. Garovillo. Para kay Mrs. Paredes."
--Jim Paredes bago nila [the APO Hiking Society] kantahin ang Wala Nang Hahanapin Pa ("Ngunit kahit ganyan siya / minamahal ko siya / sinasamba ko pa / walang kaduda-duda") sa MYX Live

1.03.2007

Blog Post v.2 (dahil biglang nag-exit ang Blogger nang walang paalam)

"Sa SM lang pala bumibili ng regalo si Santa e," sabi sakin ni Rueann, 5.

"Bakit mo nasabi?" tanong ko.

"E kasi yung regalo niya saken, nakabalot ng SM na plastic e."

Uuy, si Santa, nag-last minute Christmas shopping sa Pinas.

* * *
“Ang mahal naman ng Tintin!” Glenn complained, after seeing its 435-peso price tag. He was referring to The Adventures of Tintin, which he said is actually a popular comic book series. (Baka tulog ako nung mga panahong popular si Tintin at may TV guesting. Ang popular saken ay Funny Komiks at Alyssa Alano.) He wants to start his own Tintin collection.

“E kasi Tintin na siya! Kung Tintin pa lang siya, malamang mas mura yan. Sana nun ka pa bumili nyan,” I explained, matter-of-factly.

He turned to me. “Nung Tintin pa lang siya, e 1920’s pa yun.” More matter-of-factly.

I shut up. Then we looked at each other and laughed almost at the same time.

This is the kind of conversation nobody will probably be laughing about the way we do (and in front of a Tintin display, at that), but really, I wouldn’t want to have it any other way.

Unless of course, Tintin gets a 50% discount. ;)

* * *
"Feeling ko, ako ang unang binigyan ng regalo ni Santa," sabi (uli) ni Rueann.

"Pa'no mo naman nasabi?" tanong ko (uli).

"Wala. Feeling ko lang."

Tsk, bata pa lang, may woman's instinct na. Lagot magiging boypren nito.

* * *
"Lilipas din yan. In the long run. Yung nga lang, ang run, long talaga."
--Ethel Francisco, tungkol sa kalungkutan at iba pang alipores nito