1.27.2007

Nang kinausap ko ang sarili nang maraming beses

Sa MRT, sa pambabae na tren, pauwi mula panonood ng Stranger Than Fiction, napansin ko ang isang (ambient) ad ng Rexona sa may malapit sa kisame: "Mr. Right could be standing next to you."

Inuulit ko, nasa pambabaeng tren ako. So Rexona, si Mr. Right ay maaaring lolo na (na malamang ay nakaupo), o lalaking may asawa na at may baby pa, o lalaking baby pa.

Sabagay, hindi naman sinabi ni Rexona na "Mr. Right, who could already be thrice your age, or already married with two kids, could be standing next to you." Okay, Rexona, you're forgiven.
* * *
Ngayong naki(ki)ta ko na kung paano magtrabaho sa isang mainstream na full-length na pelikula, nasabi ko sa sarili ko: "Syet, diba gusto kong maging direktor ng pelikula?" Sabay isip.

Paggising ko kaninang umaga (yung totoong gising na hindi pumipikit uli after five seconds), bigla ko lang sinabi sa sarili ko: "Syet, gusto kong mag-direk uli ng commercial." Sabay hinayang.

Tapos, napatigil ako: "Syet." At napa-buntung-hininga. "Hindi na naman ako nakapanood ng Maging Sino Ka Man kagabi."
* * *
Kakarinig ko lang ng version ng 6cyclemind ng isa sa pinakagusto kong OPM rock na kanta, ang "Prinsesa" ng Teeth. Sa totoo lang, nagandahan ako kasi ibang version nga naman. Ngunit.

Kelan lang ba sumikat ang "Prinsesa"? E diba, mid-90's lang yun? Hindi ko pa nga nalalasap nang tuluyan, may bagong pagkaluto na naman? Parang kahapon lang yun e, dagdagan lang ng isang dekada.
Tsk. Sana ni-revive nyo na rin ang Introvoys.
* * *
Naisip ko lang, at nasabi ko rin sa sarili ko, "Live in such a way that when someone tells another that s/he reminds her of you, she will be flattered, not offended."

1.24.2007

My favorite Sorsogon feature is this feature (among other features)

Ang cancer patient at ang tatlong masunurin nung sinabing "smile and show your ipin" (clockwise): si Ako, si Ethel Francisco, si Mace "Vannesa, yung N yung doble" Mateo, Tidoy "Vanessa, yung S yung doble" Abastillas at ang pa-importanteng mapang-takip na upuan sa van
(Upang magbalik-tanaw sa paglalakbay sa Sorsogon kasama si Caloy at si Butanding, basahin muli dito.)

1.07.2007

A Non-Director, A Director, APO

"Masakit talaga matalo. Kung gusto nyo ng mga quality films, hindi siguro dito ang audience nyo."
--Metro Manila Development Authority (MMDA) Bayani Fernando on the 2006 Metro Manila Film Festival (MMFF) controversy

Ser, kung ganyan kababa ang tingin mo sa pelikulang Pilipino at sa mga tumatangkilik nito, bakit ikaw pa rin ang chairman ng MMFF committee? Kung ganyan din lang, edi ako na lang. (Joke.)

Teka, ano nga ba ang ginagawa ng MMDA sa isang supposedly cultural at artistic na kaganapan? Ah, traffic flow ng mga float sa Parade of Stars.

* * *
"Ay, ayoko ng wala masyadong liver."
--Direk Joyce Bernal nang tanungin kung type ba niya si Direk Lino Cayetano (na nag-donate dati ng liver sa kanyang Dad, the late Senator Rene Cayetano)

"Uy, wag kayong ganyan. Pumayat na si Sharon [Cuneta] ha. Kumpara sa kanya."
--Direk Joyce Bernal nang marinig na tumaba na naman si Sharon

"Para kay Mrs. Javier. Para kay Mrs. Garovillo. Para kay Mrs. Paredes."
--Jim Paredes bago nila [the APO Hiking Society] kantahin ang Wala Nang Hahanapin Pa ("Ngunit kahit ganyan siya / minamahal ko siya / sinasamba ko pa / walang kaduda-duda") sa MYX Live

1.03.2007

Blog Post v.2 (dahil biglang nag-exit ang Blogger nang walang paalam)

"Sa SM lang pala bumibili ng regalo si Santa e," sabi sakin ni Rueann, 5.

"Bakit mo nasabi?" tanong ko.

"E kasi yung regalo niya saken, nakabalot ng SM na plastic e."

Uuy, si Santa, nag-last minute Christmas shopping sa Pinas.

* * *
“Ang mahal naman ng Tintin!” Glenn complained, after seeing its 435-peso price tag. He was referring to The Adventures of Tintin, which he said is actually a popular comic book series. (Baka tulog ako nung mga panahong popular si Tintin at may TV guesting. Ang popular saken ay Funny Komiks at Alyssa Alano.) He wants to start his own Tintin collection.

“E kasi Tintin na siya! Kung Tintin pa lang siya, malamang mas mura yan. Sana nun ka pa bumili nyan,” I explained, matter-of-factly.

He turned to me. “Nung Tintin pa lang siya, e 1920’s pa yun.” More matter-of-factly.

I shut up. Then we looked at each other and laughed almost at the same time.

This is the kind of conversation nobody will probably be laughing about the way we do (and in front of a Tintin display, at that), but really, I wouldn’t want to have it any other way.

Unless of course, Tintin gets a 50% discount. ;)

* * *
"Feeling ko, ako ang unang binigyan ng regalo ni Santa," sabi (uli) ni Rueann.

"Pa'no mo naman nasabi?" tanong ko (uli).

"Wala. Feeling ko lang."

Tsk, bata pa lang, may woman's instinct na. Lagot magiging boypren nito.

* * *
"Lilipas din yan. In the long run. Yung nga lang, ang run, long talaga."
--Ethel Francisco, tungkol sa kalungkutan at iba pang alipores nito