2.26.2007

With apologies to Rivermaya: "Panahon na naman..."

Gusto ko yung plug ng Studio 23 na Y-Vote with Epy Quizon: (not exact words) "Kung madami kang reklamo at gustong baguhin sa gobyerno, pwes, bumoto ka."

2.25.2007

In the tradition of the Dreamers of Pinoy Dream Academy

Grabe. Bineso ako ni Piolo Pascual pagka-pack up ng shooting ng Day 7 ng pelikula nila ni "I'm freakin" Regine Velasquez (na dinedirek ni Bb. Joyce Bernal).

(Sasabihin ko sanang "pwede na'kong mamatay" kaso nga lang, napaka-showbiz naman ng magiging headline ng pagkamatay ko if ever. "Babae, namatay dahil sa beso ni Piolo." Pwe.)

Sa mga nagsasabing bading si Piolo, wala akong lakas ng intestines na tanungin sa kanya. Malamang mainis siya. And then, just like that, my beso will be at stake.

Minsan na nga lang ako bumeso, at stake pa. Noooo.

* * *

"Ang ganda naman ng pagka-make-up mo. Parang natutulog lang."
--Joyce Bernal, pabirong koment sa make-up artist na nag-make up sa isang extra (na sa film lingo pala ay "talent" ang tawag)

* * *

Sa June daw magtatapos ang shooting (pati na rin ang playdate) ng pelikulang yun. Sa June din ang palugit ko sa sarili ko kung pelikulang mainstream ba (bilang script continuity) o advertising (bilang trainee PA uli) ang kakaririn ko para matupad ko ang comebacking pangarap ko na maging direktor.

(Sabi mo nga, Mez (ang babaeng nakakasagot ng mga tanong ko kahit dis-oras ng gabi tungkol sa minimum wage, TIN, at Toad the Wet Sprocket), "pwede namang magbago ng strategy mid-game.")

June? Tsk, limang buwan pa pala. Sana by then, pangarap ko pa rin yun.

Psst, sa mga nangangarap kahit malapit na sa maintaining balance ang pera sa ATM at madalas di na maabutan ang "Maging Sino Ka Man" at parang artista na ang level ng pagpupuyat, mabuhay ka. As in wag hayaang mamatay (ang sarili at ang pangarap).

:)

2.09.2007

:O (OA na gulat)

"Patay na si Anna Nicole Smith," sabi sakin ni Glenn, writer para sa astig na online gaming company sa Pilipinas, sa YM.

Nagulat ako. (Tipong lahat ng susunod kong reply tungkol dun ay nagtatapos sa tatlong question marks. Apat kapag nasobrahan sa pagpindot.) Hindi kasing-gulat nung namatay si Rico Yan (RIP), pero nagulat ako.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulat: na patay na nga si Anna Nicole Smith, o na mas una pang nalaman ni Glenn ang balita kesa sakin.

Nakapagtataka.

(Note: Hindi muna ako naniwala. Kinonfirm ko muna sa Yahoo! News, at congratulations Glenn, pwede ka nang mag-proxy kay Angelique Lazo. Enter "This Thing (This Thing) Called Love (Called Love).")

2.01.2007

Sabi ng traffic light, stop (edited)

Gusto ko sanang isulat ang nararamdaman. Mas mabilis nga lang pindutin ang backspace kesa mga letrang may sinasabi. (Gaya ng lagi kong ginagawa.)

Sinasabi ko laging wag akong mag-alala, dahil nasa akin ang huling halaklak. Sana pagdating nun, hindi ko pa nakakalimutan kung pano'ng tumawa.

(Biglang pinatugtog ng kapitbahay sa kanilang malakas na radyo ang With A Smile ng E-heads. Konting decibels lang ang lamang kapag nagpapatugtog sila tuwing Bagong Taon. At least, napatunayan kong hindi ko pa rin nakakalimutan kung pano'ng ngumiti.)

(Ser Ely Buendia, mabuhay ka. As in, huwag kang mamatay. Please.)

(Ang tanga ko, ang dali nga lang pala ngumiti. Salamat a.)

(Hindi ko sinasadya, pero isa rin itong pagpupugay sa mga parentheses. Wag kayong mainggit sa mga period o sa comma. At least ikaw, may karapatan laging sumingit.)