6.04.2006

Rueann, May Tama Ka (at Matt, Binoto Kita ng Dalawang Beses)

(Seryosong warning: Ilaya is afraid that this post may appear "mayabang" to you. Pasensiya. Promise, hindi ako nagyayabang. Naglalahad lamang. Natuwa lang ako sa mga pangyayari kaya sinulat ko dito. Okay? Salamat.)

Isa sa mga paborito kong gawin ay ang mag-channel surf. Dahil dyan ay natuklasan ko si Eleanor "Simasen Konnichiwa" Nishiumi sa Oh Tokyo!, at na Channel 116 pala ang ETC 2nd Avenue sa Destiny namin (dati). At dahil dyan din ay natuklasan kong may mga channels na hindi tumatagal ng tatlong segundo ay nililipat ko na uli ang istasyon. By choice.

Tulad ng NBN-4.

At kanina, ininterview ako dun (sa show na Sigaw Sining: Ugnayan sa NCCA para sa Saling Pusa). Masaya naman (dahil gusto ko pa rin talaga ang magsalita--Broad Comm nga pala ako dati), ngunit hindi man lang ako nasabihan na TV interview pala ang pupuntahan ko. Akala ko ay screening lang ng short films namin. Buti na lang magandang tsinelas ang nasuot ko.

Pero ayos lang. Magpupusta ako ng sampung piso, walang nakapanood nun.

* * *

Toot toot.

May nag-text. Si KE (BS Economics).

"Tonet! Nasa NBN ka!Ü"

Ayayay.

* * *


Buti na lang hindi bahay namin ang naipusta ko.

At oo, bukod sa Lotto, may ganung palabas sa NBN-4.

* * *

Nanood si Mama at Lia (BS Business Administration, undergrad) ng XMen 3 sa Market! Market! kasama si Rueann (na ngayon ay four years old na).

Sa reserved seating sila. Kaya kapag late, pasensya na lang.

Eh late sila.

Sabi ng tiketera sa kanila, "Bawal na po ulitin ha."

At natapos na ang XMen 3. At dahil masunurin, umuwi na agad.

Kinabukasan, sinabi ng mommy ni Rueanne sa kanya: "Anak, nood tayo ng Xmen 3."

Sagot ni Rue: "Sabi ng gwardiya, bawal daw po ulitin!"

* * *

At hindi naman pala daw nakita ang gold tsinelas ko sa TV.

* * *

"Hayayay yaya yayayay / Hayayayay."
--Don Romantiko, PBB Teen Edition Version
habang gumigiling si Papa Matt Evans sa likod na naka-Lastikman costume




8 comments:

Anonymous said...

HAHAHA!

basta sa premiere night ng pelikula ni Matt, magkasama tayo!!!

ang gwapo niya kagabi sa Big Reunion! narinig mo ba siyang kumanta? Hahaha.

Anonymous said...

wahaha, napanood nga kita. ikinalat ko pa sa bugsy actually, kaya lang di na ata nila naabutan. si rina ata nakanood though. :D


alam mo, kakatuwang bata yang si rueanne ah. daming post mo ang nagrerevolve around her, pansin ko lang. hehehe. :D

MATT EVANS!!!! crush kita!!!! sama ako sa unang movie niya manood! hahaha!

Antoinette Jadaone said...

Grabe, unang kita ko pa lang kay Matt, ay ewan. Napa-"syet sino yuuuuun???"

Gwapo niya noh? Lalo na pag sumasayaw ng Don Romantiko!!

Buwagin na ang Matt-Olyn na love team!!!

VM said...

ang kapal kaya ng mukha nung olyn na yun nyeta sya. bwahaha.

Filipina based in Maui said...

Hahaha, Ian works Part-time for Wins. Sayang hindi kayo nagkita. sa Wins News siya at Wins Weekly.

Anonymous said...

NOooo... may WINS pa?!?! Buhay pa ba ang "Oh!Tokyo"?

Anonymous said...

oo nga, may WINS pa??? i want to work part-time for WINS!!! oh tokyo!!
-Tonet

Anonymous said...

Keep up the good work 2001 pontiac grand prix gtp land rover dealer austin Fetish foot sex tgp