"I like dead end signs. I think they're kind. They at least give the decency to let you know you're going nowhere."
--Bugs Bunny
Tsk, hindi pa naman uso sa Makati ang dead end signs.
Pagka-graduate ko mula sa college, kasama ng aking invisible diploma ang pag-asang kusang nabuo sa loob ng unibersidad. Na gagawin ko ang gusto kong gawin. Na kikita ako ng malaki kada buwan. Na magiging direktor ako ng pelikula. Na hindi ako kakain ng pride at prinsipyo. Na babaguhin ko ang mundo. Tapos, hindi pa ako nakaka-tatlong buwan, parang biglang may bumatok na agad sa’kin. Bugs Bunny, ikaw ba yan? Medyo masakit a.
Ladies and gentlemen, iyan ang idealismong lasang fresh grad. Mapait.
Ang panghimagas, disillusionment. Hindi matamis.
Dati, pawang konsepto lamang si Real World. Napag-uusapan, nasuusulat, nababasa, pero hindi ko pa talaga nakikita. Parang isang sikat na artista na mailap sa media. May tsismis nang malupit nga daw siya sa personal. Pero sus, walang malupit na konsepto sa isang optimistic na fresh grad.
Hindi pa man ako nag-papa-autograph sa kanya, nalaman ko na agad: Walang optimistic na fresh grad sa isang malupit na konseptong nag-anyong tao na.
Baka naman na-starstruck lang ako. O di kaya, sa bilis ng transition mula kolehiyo pa-Real World, inatake ako ng biyahilo. At walang malapit na Bonamine. Pero sabagay, sino ba naman ang napadpad sa Real World nang handang-handa? Nang hindi nasindak? Nang hindi nanibago? Nang hindi muntik na’ng umayaw? Uso nga siguro yan ngayon—ang mga fresh grad na nabigla sa Real World. Sa totoo lang, hanggang may mga fresh grad na hitik sa idealismo, hindi yun mawawala sa uso. Classic.
Buti na lang.
Dahil sa loob ng Real World na talamak ang inggit, gulangan, siraan at oo, mediocrity, masaya pa ring isiping may bagong dating na kinang na hindi pa nahahawa sa star complex ni Real World. Hindi lang basta glossy shine. Fresh grad shine.
Kaya siguro hindi dumidilim sa Makati, lalo na sa bawat pagtatapos ng semestre. Pero kung kailan pupundido ang kislap na yun, hindi ko alam. Sa ngayon, maraming fresh grads ang nabukulan sa pagkauntog sa biyahe pa-Real World. Na naguguluhan kung iyon na ang trabahong gusto niyang panindigan (na ikukonsulta kay Pangarap o Prinsipyo). Na inaakalang napunta sila sa isang madilim na dead end na walang dead end sign. Na kung saan ang tanging ilaw ay mula sa sarili at lumalamlam pa. Tsk, e hindi naman pwedeng sisihin ang Meralco.
Napakabata pa ng fresh grad para maging cynical na agad sa mundo. Oo’t na-disillusion nga, pero para saan pang naging fresh grad kung hindi innate ang pagiging optimistic? Sigurado ako, habang ang isang kamay ay nakapangalumbaba, ang kabilang kamay naman ay mahigpit pa rin ang hawak sa isang supot ng pangarap at idealismo.
Huwag lang mabubutas. ##
11.17.2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
indi pa butas yung saken! MAGIGING DIPLOMAT PA AKO!
ayos ha!:D feeling ko, lahat naman ganyan ang nararamdaman--kung hindi man lahat, marami.
nakakatuwa ka talaga magsulat, kaya nga parati ako bumibista dito eh
~gracelle
e di natapos mo rin. basta. shine shine shine pa rin tayo. dat bugs bunny.
I was blog hopping (thru Blogger's Next Blog link) and I came across your blog.
You're the first blogger I encountered who writes entries in pure Filipino, written in such good taste.
Somebody slap me (and the rest of the English-speaking/writing Filipino bloggers) for using a foreign language. Haha.
tons! astig yung blog entry na ito! salamat sa inspirasyon, hehe.
boohoo...can relate, tons. nice piece.
Wow. Salamat ES, Gracelle, Dohna, Rina, at Mae. Nakakatuwa naman. :)
Ellaine, wow, nagulat ako dun. Salamat din, balik ka ha.
Mabuhay tayo yeah yeah yeah, lalo na ang mga underpaid yeah yeah yeah.
hahaha! ayos tonet! grabe.. sapul! sakto sa aking depresyon at confusion dahil sa trabaho..
-cean
sabi ko "uy parang nabasa ko na to a" e kasi naman nabasa ko na nga bago ko nabasa dito hehe. tulad nga ng sabi ko, you were able to put into words what we fresh grads were all feeling, and probably still feeling up to now.
syet english, nosebleed!
bosing, gusto ko lang sabihin na fans mo ko.
galing, galing magsulat. :)
-jec
oy CEAN, nako, parang mid-life crisis na ata yung iyo hehe. :)
oy REEN haha.
oy JEC wow im very tas, seryoso. (ikaw ba yun jec na kilala ko sa totoong buhay? hehe. pumadpad ka uli dito oy.)
ako nga ata yung jec na yun. haha. fans mo ko no. lagi talaga ko pumapadpad dito. :)
tonet, ibalik mo na ung tagboard mo!!! hehe.
BUTI NA LANG HINDI PA AKO GUMAGRADUATE!!! WEEEEEEEEEEEE! hahaha.
I will not agree on it. I assume polite post. Particularly the title-deed attracted me to study the sound story.
Genial fill someone in on and this mail helped me alot in my college assignement. Gratefulness you on your information.
Post a Comment