12.23.2006

If it's from Seiko, it must be bold

Tatlong pelikula ang napanood ko ngayong Disyembre: Borat: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan (copy and paste sa Google ang title), Happy Feet, at Little Miss Sunshine.

Ang Happy Feet, panget. Gusto ko sanang mag-elaborate na "sana dun na lang sa hindi pagkaalam ni (nakalimutan ko na pangalan nung penguin na yun) kumanta pero magaling naman siya mag-tap dance nag-focus" pero wag na lang. Ayokong patulan ang isang penguin. Animated pa.

Ang Borat (worldwide gross: $228,200,000++), grabe. Nakakatawa, OA. Astig ka, actor-writer Sacha Baron Cohen. (Isa itong mocumentary kung saan ipinadala ang isang TV reportersa Kazakhstan (si Borat) sa "US and A" para malaman kung bakit sila ang "the greatest country in the world." At para na rin mapakasalan si Pamela Anderson.)

Tipong matatawa ka nang malakas na malakas pero wala kang pakialam kasi lahat naman ay tumatawa nang malakas. (Pero may mga eksenang offensive na talaga, pero saka na ang soul-searching paglabas ng sinehan. Buti na lang hindi ako Amerikano. Andaming beses siguro nila nakagat ang dila nila.) Ang huli ko atang malakas na pagtawa sa sinehan ay nung Don't Give Up On Us pa. O baka kasi hindi ko lang napanood ang Lapu-Lapu.

Ang Little Miss Sunshine* (worldwide gross: $86,340,000++), ang ganda. Una kong nalaman tong pelikulang to sa dyaryo. Standing ovations sa Sundance Film Festival at $10 million distribution deal with Fox Searchlight. Wow. Hindi nga from Seiko.

Isa itong comedy (pero naiyak din ako) tungkol sa dysfunctional Hoover family: si Tatay, obsessed sa pagiging "winner not loser"; si Nanay, parang "Bakit ko ba pinakasalan 'to?"; si Kuya, may vow of silence for nine months so far bilang homage kay Nietzsche; si Tito (Steve Carell), suicidal (partly) dahil na in love sa kanyang estudyante--na lalaki; at si Lolo, heroin addict ("You're young; you'd be crazy to do it. I'm old; I'd be crazy not to do it"). Si Olive, 7, lang ata ang medyo normal. Gusto niyang sumali at manalo sa Little Miss Sunshine beauty pageant.

E sa California pa yun. Nasa New Mexico sila.

Kaya tayo may pelikula. Na maganda.
Musical score, check. Direction, check. Acting (especially of Lolo and Olive), check. Cinematography, double check. Screenplay, triple check.

Palakpak namin pagkatapos ng pelikula, check.

*Exclusively at Ayala Cinemas.

3 comments:

Anonymous said...

bat ako nakaka-comment? -tonet

Anonymous said...

i am making a comment.

Anonymous said...

waaaaa naappreciate ko yung happy feet! at natuwa din ako na hindi lang nagfocus yung film sa "finding yourself chever chever" at mas wide pa pala ang scope niya, environmental pa. owel kanya-kanya lang yan :D

hindi ko na naabutan yung little miss sunshine paksiyet. sana may makitang dibidi.