2.25.2007

In the tradition of the Dreamers of Pinoy Dream Academy

Grabe. Bineso ako ni Piolo Pascual pagka-pack up ng shooting ng Day 7 ng pelikula nila ni "I'm freakin" Regine Velasquez (na dinedirek ni Bb. Joyce Bernal).

(Sasabihin ko sanang "pwede na'kong mamatay" kaso nga lang, napaka-showbiz naman ng magiging headline ng pagkamatay ko if ever. "Babae, namatay dahil sa beso ni Piolo." Pwe.)

Sa mga nagsasabing bading si Piolo, wala akong lakas ng intestines na tanungin sa kanya. Malamang mainis siya. And then, just like that, my beso will be at stake.

Minsan na nga lang ako bumeso, at stake pa. Noooo.

* * *

"Ang ganda naman ng pagka-make-up mo. Parang natutulog lang."
--Joyce Bernal, pabirong koment sa make-up artist na nag-make up sa isang extra (na sa film lingo pala ay "talent" ang tawag)

* * *

Sa June daw magtatapos ang shooting (pati na rin ang playdate) ng pelikulang yun. Sa June din ang palugit ko sa sarili ko kung pelikulang mainstream ba (bilang script continuity) o advertising (bilang trainee PA uli) ang kakaririn ko para matupad ko ang comebacking pangarap ko na maging direktor.

(Sabi mo nga, Mez (ang babaeng nakakasagot ng mga tanong ko kahit dis-oras ng gabi tungkol sa minimum wage, TIN, at Toad the Wet Sprocket), "pwede namang magbago ng strategy mid-game.")

June? Tsk, limang buwan pa pala. Sana by then, pangarap ko pa rin yun.

Psst, sa mga nangangarap kahit malapit na sa maintaining balance ang pera sa ATM at madalas di na maabutan ang "Maging Sino Ka Man" at parang artista na ang level ng pagpupuyat, mabuhay ka. As in wag hayaang mamatay (ang sarili at ang pangarap).

:)

8 comments:

Anonymous said...

hahaha... tama yan. at hey, papa piolo!!!! teka, e pero bakit ka nagbura ng spurtaneous entry mo?

-dohna

Antoinette Jadaone said...

hahaha, naalala ko ang etymology ng "spurtaneous" hahaha. e wala lang, ganun lang. ilabas lang ng isang beses, tapos okey na dapat hehe.

ano nei dohna??

Anonymous said...

bwahahaha... shyet. spurtaneous. brings back memories. but i don't remeber the feeling anymore. nyahaha... acheb!

ano nei? cmonst! let's yaman na! :p
can't wait to eat at almon marina. yuck ang simple ng pangarap kainan. hehe. in the tradition of our megamall endeavor.

-dohna

Antoinette Jadaone said...

at least hindi na napoli's. umiibang level ka na haha.

Anonymous said...

ay, grabe lang. haha. modang bebs ang napoli. haha.

-dohna

Anonymous said...

tuluy-tuloy lang ang pangangarap! sigurado naman ako na kahit alin sa dalawa ang karirin mo... makakarating at makakarating ka rin sa gusto mong marating. yes. pihado yan!

Antoinette Jadaone said...

wow, can I quote you on that? hehe. sana, sana... ikaw rin!

Anonymous said...

Nice post and this fill someone in on helped me alot in my college assignement. Gratefulness you for your information.