Sabi ni Mama sa'kin, "Basahin mo 'tong librong 'to." Sabay bigay sakin ng The Secret ni Rhonda Byrne.
"E hindi naman ako nagbabasa ng libro e," sabi ko.
"Basta basahin mo. Sabi sa dyaryo, lahat daw ng nakabasa nyan, nagbabagong-buhay."
Ay.
"Wag ka masyado magulo. Baka mawalan ka ng out of balance."
--Eugene Domingo, isa sa kanyang mga joke time sa shoot ng Regine-Piolo na pelikula (na June 4 ang tentative playdate)
"They always say we don't know what we've got till it's gone. The truth is, we've always known what we've got. We just didn't know we'd lose them."
--[di ko na maalala kung sino nagsabi. Bast hindi ako]
Pakinggan: Sundo ng Imago. (Pansamantalang kalimutan na sila rin ang sumulat ng animo'y theme song ng Let's Go na Tara Lets (Tara Tara Tara Lets) at ang mala-ATBP song na Anino (Isa, Dalawa, Tatlo)). In the tradition of Akap at Taning: "Asahan mo / mula ngayon / pag-big ko'y / sa'yo." Sa wakas, ayan uli ang Imago. Woohoo.
May nakita akong tarpaulin sa isang sari-sari store malapit sa highway: "Vote FPJM [FPJ for President Movement] for Party-List."
Ay. At ano'ng plataporma nyo, mga ser? Ibalik si FPJ sa pagkabuhay?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
"They always say we don't know what we've got till it's gone. The truth is, we've always known what we've got. We just didn't know we'd lose them."
We just didn't know we'd lose them --- hindi. alam din nating lahat na pwedeng mawala ang mga bagay. We lost them because we let go. Hindi umaksyon. Kumeber. Amen.
At saan galing ang comment? Hehe.
We just didn't know we'd lose them --- hindi. alam din nating lahat na pwedeng mawala ang mga bagay. We lost them because we let go. Hindi umaksyon. Kumeber. Amen.
- tama rin. pero paminsan, hindi rin mahirap mag let go. nakakapagod din kasing maghold on lalo na kapag wala namang bumabalik na kahit konting appreciation. pero kung requited naman, walang karapatang lumet go at hindi umaksyon. acheb.
ahehehe... ayun.
korean mode : only i think.
dohna! hellowww!
ditto; welcome back, imago!
downa: at saan uli galing ang comment? hehe. (may appreciation yun, baka di lang ganun kahalata.)
mez: yahoo!
ayos ang drama dito ah. hehe
DOHNA... parang gigil na gigil ka? :P
eyo Tonet... hello! kelangan mo nang magsimba!
ahahaha... may pinaghuhugutan! ayayay...
ang batang makulit, pinapalo sa pwet! *bow!*
hellow mace! ;p
oh, so binasa mo ba ang the secret? medyo curious ako dun eh kasi ang dami ngang magagandang reviews. pahiram na lang kung ayaw mo basahin. hehe.
hindi pa rin hehe. pero may inattempt akong basahin na isang chapter. may nakapila nang manghiram. (na-curious tuloy ako bilang gusto mo basahin hehe.)
Post a Comment