5.13.2007

Ang pelikulang Joyce Bernal-Piolo Pascual. Ay, andito rin si Regine Velasquez.

May 30. Hindi tulad ng pa-importanteng Spiderman 3, hindi lang ito ang palabas sa mga SM Cinemas, pero panoorin pa rin natin ito. (Unang beses kong makikita ang aking pangalan sa closing credits ng isang mainstream na pelikula sa SM Megamall Cinema 10. Sorry manong guard, magdadala talaga ako ng camera. Hanapin mo sa bag ko, tse!)

Pero hindi pa tapos ang shooting namin (na December 2006 pa nagsimula. Inabutan na kami ng Happy New Year, ng Happy Valentine's Day, ng Happy Birthday ni Piolo Pascual, ng Happy Birthday ko, ng Happy Birthday ni Ms. Regine Velasquez, ng Happy Birthday ni Direk Joyce Bernal, ng pagsilang ng anak ni Kris Aquino, ng Labor Day at pati ng paghihiwalay ni Ruffa Gutierez at Yilmaz Bektas. Parang awa n'yo na, wag na sana kami abutan ng pagbabati nila).

May apat na araw pa (Batangas-Batangas-Laguna-Zambales), kasama na ang ending na may rain effect (kung papayag ang may-ari ng resort).
Promise, ang todo-promote at kwento ko, pagka-last day namin. (Sana nga magka-last day kami.)


Paano Kita Iibigin. Directed by Bb. Joyce Bernal. Starring Piolo Pascual, Regine Velasquez, Eugene Domingo, Quintin Alianza. Also Starring Iya Villania, Hyubs Azarcon, Erich Gonzales, Gian Teri, Robin Daroza, Jett Pangan, Paw Diaz, JC Cuadrado. Produced by Star Cinema and Viva Films.

5 comments:

Anonymous said...

in fairness sa poster ha...

nagulat nga ako nung napanood ko yung trailer tapos may30 na siya ipapalabas eh alam ko nga, di pa kayo tapos magshoot.

kawawang editor.

Frances Mae Ramos said...

tons!magdedebut ka na! anong susuoting mo haha.

manonood ako, swirl!

Antoinette Jadaone said...

yahoooo!

si direk joyce din ang nag-eedit e, pero yung first cut, si ms marya. nood kayo ha!!!

Anonymous said...

I'm so excited na makita ang name mo sa screen!. Bigyan mo ako ng copy kapag out na sa dvd ha ;-) ::wink::

Antoinette Jadaone said...

thank you ate mina! sige bili ako dvd pag lumabas na!