Sa loob ng limang buwan, ito ang naging semi-buhay ko. Tsk, kapag isang pelikula pala ang ginawa mong semi-buhay, parang buong buhay mo na rin. E si Direk Joyce Bernal pa ang direktor, edi namatay na 'ko. Sa madaling salita, sa loob ng limang buwan, ako ay nabuhay, namatay, at nabuhay na mag-uli. Pero hindi pa naman ako Diyos. Sa dami ng pagkakamali ko bilang script continuity supervisor, o "script con" (tulad ng lulubog-lilitaw na relo ni Piolo, at ng naglalahong itlog sa plato na nagiging corned beef), alam kong taong-tao pa rin ako.
Ang daming hindi ko malilimutan bilang tao.
Tulad nung actors' workshop sa may PETA Building (November 2006) kung saan una kong nakita si Piolo Pascual bilang tao at na wala sa Don't Give Up on Us o sa Till There Was You. Nalaman kong totoo ang tsismis: Gwapo nga siya.
Tulad nung unang dalawang shooting days namin sa BMW Auto Haus-e-Telecare at bahay sa Sampaloc, Manila kung saan ang dami kong mali (e.g. nag-iibang damit ni Quintin Alianza (bilang "Liam", hikaing anak ni "Martee", o ang kumulubot na bra strap ni Ms. Regine Velasquez (bilang "Martee")). Kung saan nalaman kong ang script con din pala ang bahala sa pag-sundo at paghatid sa mga artista sa stand-by area nila, sa pagbato at pagpa-memorize ng mga linya sa artista at ang pinaka-enjoy (nung panahong yun), sa pagiging ka-eksena ni Ms. Regine o Piolo kapag off-cam ang kasagutan ng linya. (Dahil pati ako, dinidirek ni Direk Joyce: "Tonette, sa word na to, dapat taasan mo na ang pagsigaw dyan ha." Uh, yes, Direk? Oily na po ako!)
Tulad nung unang nagpunta ako sa condo ni Direk Joyce para mag-research. (Kurot sa sarili.)
Tulad nung nag-night swimming kami sa dagat ng Botolan, Zambales (location ng pelikula) habang umiinom ng San Mig Light, nakatingin sa mga malapit na bituin, at nakikinig sa mga kwento at pananaw ni Direk Joyce. (Sa puntong ito, hindi ako makapniwala na ka-trabaho ko na ang direktor ng paborito kong Don't Give Up On Us. At tumatagay pa sa harap ko.)
Tulad nung naging cause of delay ako ng sampung minuto dahil sa nawawalang props na takong ni Ms. Regine (na dinala ng aming wardrobe sa pagpunta nya sa canteen, kamusta naman). Sunud-sunod ang "Tonet, nasan na?" at "Continuity yan, Tonet" ni Direk Joyce sa mic. Pagkatapos ng eksena, nag-sorry ako kay Direk Joyce. Sabi nya: "Okay lang yan. Ganyan talaga pag nagsisimula, nagkakamali." Sabay suntok sa braso ko: "Adik ka."
Tulad nung first name basis na kami ng mga crew ng mga PA at kasama ng mga artista, at lalo nina sir Piolo at Ms. Regine. (Sabi pa ni Ms. Regine: "Tonet, dati napaka-mahiyain mo. Ngayon, kumakapal ka na rin parang si Joyce a.")
Tulad nung malaman ko ang mga terminong pampelikula: love scene (para sa "sex scene"), death scene, happy moments (para sa montage ng mga kakiligan), flatbed (kung saan ipapatong ang vehicle para makunan nang maayos sa tracking shot), konseptong run out (kapag ubos na ang 400ft sa film roll), MOS (kapag walang audio). At iba pa, na hindi ko naman natutunan sa apat na taon ko sa UP Film.
Tulad nung isang shooting day sa may Tanauan, Batangas (hangar, kung saan maglo-love scene at kung saan mag-iiyakan) kung saan inabutan ako ni Direk Joyce ng San Mig Light habang nag-shu-shoot. Sabi ko: "Direk, di po ako umiinom." Sabi nya: "Uminom ka. Mas masarap uminom habang nagtatrabaho." Edi inom naman ako. Sabi nya: "O diba, mas masarap?" Hindi naman e.
Tulad nung isang gabi sa Botolan, pagkatapos ng isang masamang shooting day. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame, biglang nag-open up si Ayrin, ang astig na assistant director namin (na dating scriptcon ni Direk Joyce at hindi ako pinapabayaan) tungkol sa sistemang bulok ng pelikula: mga personalan, mga palakasan, mga sipsipan, mga perahan. Ito ang industriyang haharapin namin: pakalunod ka o mag-salbabida. I say, langoy-aso.
Tulad nung isang gabi sa may beach habang hinihintay naming humupa ang mga alon, nagkwento si sir Piolo tungkol sa kanila ni Judy Ann Santos. Napatulala ako. Sabay, haaaay.
Tulad nung pinasulat ako ni Direk Joyce ng isang eksena (nung ginamot ni Martee si Lance matapos sila sagipin sa almost pagkalunod). Nung binigay ko kay Direk Joyce ang script, natawa siya at kumantiyaw. Nung binigay niya sakin yung final script para sa eksena na yun, nagulat ako: ginamit nya yung script ko. (Postscript: Na-reshoot ang eksena.)
Tulad nung ma-pack up kami ng 4am sa Lipa, Batangas (para sa nakakaiyak na final scene. Naluha ako) tapos diretso sa Majayjay, Laguna (para sa almost pagkalunod scene) para sa 7am na calltime. O nung limang araw na dire-diretsong shooting sa Zambales nang walang uwian. Pero masarap.
Tulad nung last shooting day namin sa Botolan. (Sa pelikula pala, may kulturang "pa-last day" kung saan nagreregalo ang mga artista sa lahat. Sabi, si Ms. Regine daw ang pinaka-bongga magpa-last day sa lahat. Bonggang-bongga nga.) Kung saan nagka-free concert si Ms. Regine (ng isang kanta lang naman). Kung saan nagpa-raffle na pwedeng makakuha ng flat screen TV, cellphone, DVD player, turbo broiler at iba pa. Ang napanalunan ko: desk fan. Fine.
Tulad nung sinabi ni Direk Joyce nung antok na antok na kami ni Ayrin: "Ang mga alaga ko, bagsak na agad." Sarap pakinggan.
Tulad nung pinapanood sa'min ni Direk Joyce ang first edit ng pelikula. Kahit ilang beses ko na napanood mula sa dubbing, naiyak ako. (Maganda ang pelikula. Peksman.)
Tulad nung sinabi ni Direk sa dubbing supervisor: "Papuntahin mo si Tonet sa dubbing bukas a." Sabi ni dubbing supervisor, ang mga ibang scriptcon daw kasi, hindi na nagpupunta sa dubbing kasi wala nang bayad yun. Sabi ni Direk Joyce: "Ay hindi, pupunta yun si Tonet. Willing matuto yun. Mag-di-direk sila ni Ayrin." Napangiti na lang ako.
Tulad nung buong pelikula, mula umpisa hanggang dulo. Ang sarap pa rin pala gumawa ng pelikula (kahit di mo maaasahan sa pera). Sa uulitin po, Direk Joyce.
Paano Kita Iibigin, in theaters on May 30. Premiere Night on May 29, SM Megamall Cinema 10. Directed by Bb. Joyce Bernal. Nakakatawa, nakaka-iyak. Maganda. Manonood ka ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
waaah tonet ansaya! kongrats. pag nagkapelikula ka, papanuorin ko talaga. pengeng passes a, hehe.
ako rin engeng passes! waaaaah! grabe noh, pahingi naman ng konting pagkastarstruck mo.-mae
CONGRATS TP! Astig ka direk!!!!
Nag-enjoy ako sa blog na eto, one of the best! Bilib talaga ako sa yo Ann (oops, tonet pala hehe).Kahit yung maliit ka pa, alam kong napaka talented mo. Basta work harder and keep on learning....para sa iyong success :-)
leo chard mae salamats.
ate mina, salamat po!
Hi Ann! Salamat at nakabisita ka sa site ko :-)..Yup, I'm using wordpress. Don't worry turuan kita. But for the meantime, punta ka sa www.wordpress.org. Nagreply din ako sa comment mo sa site ko, nabasa mo na? hehe.
wow, high profile ka na pala tonet! sabi ko nga sa sarili ko noon pa, ikaw ang isa sa mga kakosa ko sa film na alam kong itutuloy talaga ang career path na yan after graduation.
hope to see you make your own films instead of working for someone else. ipagdadasal ko yung script na inilalako niyo nina ES. :D
vinzer!!! natuwa naman ako, nag-comment ka. sobrang sobrang salamat talaga. sana nga, sana nga. san ka na? text mo akei! :)
staaaaaaaaaaaaaaaays.
lika, pitch na tayo.
interesting blog. just saw the film kanina. congratulations on accomplishing the first step to your dreams.
dam-dam: kelan ang pitch? kamonst :)
anonymous: wow, thanks. hope you liked the film. :)
ate mina: yey!
ummhh...great experience ayt??? sarap nun!!! ako? i'll wait for the movie na ididerek mo...hehehe...kahit gano katagal...
huwaw. salamat chino :) aba'y bibigyan kita ng dalawang movie passes pag matupad yun, kahit hindi kita kilala hehe.
thanks tonet!...hehehe...nasesense ko eh...ganyan din kasi c ES...hehehe...good luck po...
Ano na kaya ang masasabi ni Tonet noon sa Direk Tonet ngayon? :) Haypayb! Partida! That thing called tadhana nga! "Sabi ni Direk Joyce: "Ay hindi, pupunta yun si Tonet. Willing matuto yun. Mag-di-direk sila ni Ayrin." Napangiti na lang ako." Ika nga ni manong Drake - started from the bottom, now we're (you're) here. Yas! Congratulations Direk!
wow nakakatuwa basahin yung old comments, natupad dream ni Direk :)
nagkwento si sir Piolo tungkol sa kanila ni Judy Ann Santos. Napatulala ako. Sabay, haaaay. - owwwww
Post a Comment