Sinwerte kami ni Glenn (image model ng "Early/Late to Bed, Still Always Late to Rise" campaign) na makapasok sa libreng directing workshop ni Direk Tikoy Aguiluz. Minsan, malakas talaga ako kay God. (O baka tama ang hinala kong anghel talaga ako sa past life ko.)
Iyon ang pers taym kong makagamit ng HD camera. Iyon ang pers taym kong makita ang pangalan ko sa clapper. Iyon ang pers taym kong maging direktor sa isang short film na hindi ko kilala ang kahit isa sa crew.
Kulang ang isang Hail Mary.
* * *
Pagkatapos dumaan sa job fair sa Glorietta, tumigil kami ni ES, Dohna at Glenn sa food court. Ang masasabi ko: kapag bad trip ka (dahil iniwan ni Ka-Holding Hands, o naholdap, o iniwan ni Ka-Holding Hands tapos naholdap pa), huwag na huwag kang kakain sa Binalot.
Ang mga pagkain ay tinatago sa pangalang Bopis-ticated. At Bistek na Walastik. At Anytime Inihaw na Bangus. At Vivo Tocino.
Isipin mo na lang kung bad trip ka (dahil hinoldap ka, ni Ka-Holding Hands). Hindi na maipinta ang mukha mo. Walang ni anino ng ngiti o ng dimple. Nagdidilim na ang paningin mo. Parang gusto mong pumatay. At parang gusto mong kumain sa Binalot.
"Miss, isang Vivo Tocino."
"Come again?" sabi ni Miss.
"Vivo Tocino."
"Policy po kasi namin, dapat with feelings."
At parang gusto mong pumatay ng Miss.
Sabi na, dapat nag-Jollibee ka na lang e.
Aloha Burger.
* * *
Kunwari May 1 ngayon. Happy birthday Ethel (na walang sawang bumabatok sa'kin kapag kailangan. Na isang patunay na malakas talaga ako kay God).
Kunwari May 14 ngayon. Happy Mothers' Day kay Mama (Na siyang MTRCB ng mga pelikula ko. Na nakuha ko ang katarayan at pagkahilig sa pagbutingting. Na bibigyan ko ng magandang buhay at bahay nila ni Papa. Promise.)
Yan, tapos na ang pagkukunwari.
* * *
Naaalala ko, sinabi ko dati, hinding-hindi ako mag-a-advertising. Ang hindi ko maalala e kung sinabi kong "swear to God, hope to die", dahil God, hindi pa po ako handang mamatay.
Nagpasa ako sa mga advertising production houses sa Makati. Pinag-iisipan ko pa kung magpapasa ako sa mga ahensiya. Oo, isa akong sell-out.
Para sa aking short-term goal na maluhong pantawid-gutom (inspired by Ate Rhana). Para sa aking not-so-short-term goal na maging medyo maaliwalas ang bulsa ng pamilya. At para sa aking long-term goal na maging direktor ng isang mainstream romantic comedy (ala-Bb. Joyce Bernal).
* * *
Dahil kahit may mga taong hindi nagtiwala dahil "inexperienced" at "sobrang OC" ako. At kahit tumitingin sa camera ang bidang artista sa kaisa-isang good take. At kahit hindi napalabas ang Saling Pusa sa Manila Hotel dahil hindi ako natapos mag-edit on time. At kahit may mga taong mahirap pakisamahan (na masarap pabilhin ng Bopis-ticated kapag bad trip sila). At kahit si Mama lang ata ang nagkagusto sa final cut. At kahit madami pa akong kakaining bigas (na sana kanin na pag sinubo ko). At kahit kulang ang isang Hail Mary at Glory Be.
Gusto ko pa ring maging isang direktor.
* * *
"And I'll be there on the next train."
--Where You Lead, Gilmore Girls Theme
(bumalik na si Papa Jess kaya peyborit ko na uli, at naiyak ako)
5 comments:
una kong naisip: image model si glenn?! ng ano?!
pangalawa kong naisip: dapat pala tinatapos ang sentence bago nag-iisip.
let's go mangarap at manalig!
nyahaha pwede palang maging insulto yung unang comment ko kung low EQ ka.
glenn? =P
ang ibig ko sabihin, bakit hindi ko alam yun. hehehehehe.
hehehehe.
ahahaha.
lagot, susumbong kita!
hehe.
let's go NEC!
hehehehe.
hahahhaa.
hehehehe.
oi glenn tandaan mo, vice president ako ng team glenn. wahahaha.
Post a Comment