"Be patient is a virtue," bilin ko lagi kay Ilaya.
* * *
Isang nanay ang may makulit na anak. Sinasaway, sampa pa rin nang sampa sa galid ng escalator. Napagod na sa kasisigaw.
Nanay (sa anak): "I said stop that! How many times did I tell you that already?!"
Tumingin sa kanya ang anak: "Three."
Nagtanong ka kasi e. At least, magaling sya sa Math.
* * *
May nakita akong mag-babarkada, naglalakad sa sidewalk. Yung isa, naka-pula. Yung isa, naka-dilaw. Yung isa, hindi lang naka-blue. Naka-kalayaan blue pa.
Naisip ko, kulang na lang puti, bandila na sila.
At ako ay napa-tingin sa sarili. Sa aking damit.
Mga kapatid, intayin nyo si kalinisan white!
* * *
Ang tagal kong nawala sa sirkulasyon. Pagbalik ko, hindi na planeta ang Pluto, may oil spill na sa Guimaras, inaanay na ang aking tagboard, tapos na uli ang concert ng APO, at may trampoline na kami sa sala.
Tama si Ebe Dancel. Minsan, mabilis nga talaga ang ikot ng mundo. Ang resulta, biyahilo.
Pero wag nang choosy. May Bonamine naman sa suking tindahan.
Salamat kay Jim, Buboy at Danny (lalo na sa Ewan at Panalangin), kay Chard Bolisay, kay beybi_nova, kay Alexis Tioseco, kay Fatima Lasay (magandang sorpresa), kay Sir Ross at Sir Mari. Salamat sa kapeng Dohna at ES (minus yosi). Dobleng salamat kay KE, kay Mace, kay Ethel, at lalo kay Lakay.
Salamat sa Diyos.
* * *
"Gaano siya (ang kanyang papakalasan) kakaiba? Bakit siya ang napili mo?" tanong ko sa isang ikakasal nang artist-painter para sa kanilang wedding video.
Ang tagal ng sagot. Tahimik. Isang minuto. Tahimik pa rin. Dalawa. Tahimik pa rin. Hintay.
Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap sa camera. Ngumiti.
"Hindi ko maipaliwanag e."
Haay. At ako ay natunaw.
* * *
Sabi nila, lahat ng bagay, nangyayari dahil may dahilan.
Sa Karimlan, manalig, at lilipas ang lahat nang hindi mo namamalayan. Tapos, gaya ng dati, nasa iyo ang huling halakhak. Pero ngingiti ka na lang.
Lahat ng bagay, nangyayari dahil may dahilan.
* * *
"Ngunit kahit ano pa'ng sabihi nila / iwanan siya'y di ko magagawa."
--Mahirap Talaga Magmahal ng Syota ng Iba, APO Hiking Society
"Kasama mo."
--Awit ng Barkada, APO Hiking Society
"S'an na nga ba'ng barkada ngayon?... Magkaibigan / magkaibigan pa rin ngayon."
--San na Na Nga Ba'ng Barkada Ngayon, the APO Hiking Society
(ang biglang nagpaiyak sakin, with tissue, habang kinakanta nila sa ASAP)
9.10.2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
welcome baaack!!! lalagyan na kita ng tagboard dahil tapos na ang trabaho ko for today yahoo!
mace
komento ulet. favorite line: "Tapos, gaya ng dati, nasa iyo ang huling halakhak. Pero ngingiti ka na lang."
mace
Post a Comment