--Bugs Bunny
Tignan mo nga naman si Bugs Bunny. Kuneho lang siya pero may dunong din palang tinatago. Akala ko ba sa mata lang mainam ang carrots?
Siguro naman may patutunguhan ako. Mahirap kalaban ang kainipan at ka-boring-an. Ngayon tuloy bumabalik sa isip ko ang mga bagay na gusto ko din nga palang gawin. Nang nakangiti.
Gusto kong maging writer (para sa isang mini-dyaryo).
Gusto kong subukang mag-pottery.
Gusto kong umakyat ng Sagada.
Among other things.
May patutunguhan naman siguro ako. Naku, di pa naman uso ang dead end signs sa Makati.
* * *
"Pagdating sa dead end, liko kayo."
--instruction ng kaibigan ko papunta sa bahay nila
* * *
Dumeretso kami ni Glenn (na ang trabaho ay mga mahal nya talaga--pagsusulat at online games, ayos) nung September 25 sa North Court ng Rockwell Powerplant Mall para sa End Frame Video Art Project. Sinwerteng nakasali ang experimental film kong "it feels so good to be alive." Syempre, late kami.
Mga 20 yata yung na-exhibit, kasama ang mga gawa ni Adjani Arumpac ("Ab Ovo") at ni Ser Ramon "Astro, Astro Cigarette" Bautista ("Persistence of Vision"). (Yung gawa naman ni Kacey Pamintuan ("Freakshow") ay naka-exhibit sa Cubicle Gallery sa Maybunga, Pasig City.) Yey!
Natuwa naman ako. Lalo na't may cocktails at rumorondang sosi na macaroons at cakes. Pero hindi ko na kinaya ang wine. Baka mali pa ang paghawak ko sa baso, masamid lang ako.
(Sobrang salamat sa mga organizers ng End Frame Video Art Project at sa mga curators ng Cubicle Gallery sa paggawa ng ganitong venue para mas marami ang makapanood ng mga pelikulang pinaghirapan kahit hindi maintindihan. Salamat din kay Dohna Sarmiento ("Bleed") sa pagdaan kahit during work hehe.)
* * *
Kay Baby Ely Valencia:
Yan, binuo ko ang pangalan mo para paglaki mo at ginoogle mo ang pangalan mo, mapapadpad ka dito. Mag-tag ka ha. Sana buhay pa ito (at ako) nun. Mabuti naman at okey ka na :-) Wag ka mag-dodroga paglaki mo ha, bad yun. Mag-Milo ka na lang. May malt na siya ngayon. Napakinggan mo na ba ang Eraserheads? Dama ko kasing dun ka pinangalan sa bokalista nila. Peyborit ata siya ng Papa (at tito) mo e.
Ate Tonette :-)
* * *
Paging, Mace. Paging, Mace.
* * *
Nagkakwentuhan kami isang beses ni Kuya Marlon (ang utility boy namin sa opisina).
"Ma'am, si Ma'am Anhod* po ba may boyfriend na?" tanong niya.
"Wala," sabi ko.
"Ah, kaya pala siya maharot."
Ay.
*Pangalan ay binaligtad upang pansamantalang maprotektahan ang hinaharap. Malaki pa naman.)
* * *
Kinwento saken ni Anna Caluag (dating orgmate na officemate ko na rin Part 1):
Nag-guest daw si Ruffa Guttierez sa Master Showman Presents ni German Moreno. Binida pa daw niya lagi siyang nanonood nun, dahil nga kay Kuya Germs.
Tapos, mag-ko-commercial na. Request ni Kuya Germs, sabay nilang sabihin yung "tagline" ng Master Showman. At pumayag naman si Ruffa "Lagi Po Akong Nanonood" Guttierez.
Ang kanyang sinabi: "Walang... MATUTULOG!"
Ruffa, may tama ka!
* * *
"Ma'am, si Ma'am Ruffa** (dating orgmate na officemate ko na rin Part 2) po ba, may boyfriend na?"
"Wala"
"Ah, kaya pala siya mukhang malungkot."
Ay. Kuya, hobby mo ang mag-kumento?
**Pangalan ay iniba. Ginawang "Ruffa" for continuity.
* * *
Napag-alaman kong ang happiness, parang yung himala yan ni Nora Aunor. Sabi nga, tayo ang gumagawa ng sarili nating happiness.
May dead end sign man o wala. :-)
* * *
"Ikaw ang aking swerte."
--Swerte, Narda
5 comments:
mace: favorite ko si bugs bunny dati. at natawa ako (yung may tunog talaga) sa "kaya pala siya maharot." oy dohna!
ay bat di mo na siya favorite? (ano'ng 'yung may tunog talaga?' na-lost ako dun a hehe)
mace na kitaaaa. hehe.
-tons
Oy ayos na si Ely (na ang buong pangalan ay Nathan Emmanuel), nakauwi na siya... salamat salamat sa dasal! At salamat Tonet sa lahat. - Leo
yung natawa ako nang may tunog talaga, parang LOL hehehe. hindi LQTS (laughs quietly to self).
NYEEE. hahaha. -mez
aliw! aliw ka Tonet! :D
-cean
Post a Comment