12.23.2006

If it's from Seiko, it must be bold

Tatlong pelikula ang napanood ko ngayong Disyembre: Borat: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan (copy and paste sa Google ang title), Happy Feet, at Little Miss Sunshine.

Ang Happy Feet, panget. Gusto ko sanang mag-elaborate na "sana dun na lang sa hindi pagkaalam ni (nakalimutan ko na pangalan nung penguin na yun) kumanta pero magaling naman siya mag-tap dance nag-focus" pero wag na lang. Ayokong patulan ang isang penguin. Animated pa.

Ang Borat (worldwide gross: $228,200,000++), grabe. Nakakatawa, OA. Astig ka, actor-writer Sacha Baron Cohen. (Isa itong mocumentary kung saan ipinadala ang isang TV reportersa Kazakhstan (si Borat) sa "US and A" para malaman kung bakit sila ang "the greatest country in the world." At para na rin mapakasalan si Pamela Anderson.)

Tipong matatawa ka nang malakas na malakas pero wala kang pakialam kasi lahat naman ay tumatawa nang malakas. (Pero may mga eksenang offensive na talaga, pero saka na ang soul-searching paglabas ng sinehan. Buti na lang hindi ako Amerikano. Andaming beses siguro nila nakagat ang dila nila.) Ang huli ko atang malakas na pagtawa sa sinehan ay nung Don't Give Up On Us pa. O baka kasi hindi ko lang napanood ang Lapu-Lapu.

Ang Little Miss Sunshine* (worldwide gross: $86,340,000++), ang ganda. Una kong nalaman tong pelikulang to sa dyaryo. Standing ovations sa Sundance Film Festival at $10 million distribution deal with Fox Searchlight. Wow. Hindi nga from Seiko.

Isa itong comedy (pero naiyak din ako) tungkol sa dysfunctional Hoover family: si Tatay, obsessed sa pagiging "winner not loser"; si Nanay, parang "Bakit ko ba pinakasalan 'to?"; si Kuya, may vow of silence for nine months so far bilang homage kay Nietzsche; si Tito (Steve Carell), suicidal (partly) dahil na in love sa kanyang estudyante--na lalaki; at si Lolo, heroin addict ("You're young; you'd be crazy to do it. I'm old; I'd be crazy not to do it"). Si Olive, 7, lang ata ang medyo normal. Gusto niyang sumali at manalo sa Little Miss Sunshine beauty pageant.

E sa California pa yun. Nasa New Mexico sila.

Kaya tayo may pelikula. Na maganda.
Musical score, check. Direction, check. Acting (especially of Lolo and Olive), check. Cinematography, double check. Screenplay, triple check.

Palakpak namin pagkatapos ng pelikula, check.

*Exclusively at Ayala Cinemas.

12.14.2006

To Ethel, Mace, Dohna and to Glenn:

You have no idea. Without you, my world would have crumbled by midnight.

Salamat.

11.17.2006

Bos, Para sa Real World

"I like dead end signs. I think they're kind. They at least give the decency to let you know you're going nowhere."
--Bugs Bunny

Tsk, hindi pa naman uso sa Makati ang dead end signs.

Pagka-graduate ko mula sa college, kasama ng aking invisible diploma ang pag-asang kusang nabuo sa loob ng unibersidad. Na gagawin ko ang gusto kong gawin. Na kikita ako ng malaki kada buwan. Na magiging direktor ako ng pelikula. Na hindi ako kakain ng pride at prinsipyo. Na babaguhin ko ang mundo. Tapos, hindi pa ako nakaka-tatlong buwan, parang biglang may bumatok na agad sa’kin. Bugs Bunny, ikaw ba yan? Medyo masakit a.

Ladies and gentlemen, iyan ang idealismong lasang fresh grad. Mapait.

Ang panghimagas, disillusionment. Hindi matamis.

Dati, pawang konsepto lamang si Real World. Napag-uusapan, nasuusulat, nababasa, pero hindi ko pa talaga nakikita. Parang isang sikat na artista na mailap sa media. May tsismis nang malupit nga daw siya sa personal. Pero sus, walang malupit na konsepto sa isang optimistic na fresh grad.

Hindi pa man ako nag-papa-autograph sa kanya, nalaman ko na agad: Walang optimistic na fresh grad sa isang malupit na konseptong nag-anyong tao na.

Baka naman na-starstruck lang ako. O di kaya, sa bilis ng transition mula kolehiyo pa-Real World, inatake ako ng biyahilo. At walang malapit na Bonamine. Pero sabagay, sino ba naman ang napadpad sa Real World nang handang-handa? Nang hindi nasindak? Nang hindi nanibago? Nang hindi muntik na’ng umayaw? Uso nga siguro yan ngayon—ang mga fresh grad na nabigla sa Real World. Sa totoo lang, hanggang may mga fresh grad na hitik sa idealismo, hindi yun mawawala sa uso. Classic.

Buti na lang.

Dahil sa loob ng Real World na talamak ang inggit, gulangan, siraan at oo, mediocrity, masaya pa ring isiping may bagong dating na kinang na hindi pa nahahawa sa star complex ni Real World. Hindi lang basta glossy shine. Fresh grad shine.

Kaya siguro hindi dumidilim sa Makati, lalo na sa bawat pagtatapos ng semestre. Pero kung kailan pupundido ang kislap na yun, hindi ko alam. Sa ngayon, maraming fresh grads ang nabukulan sa pagkauntog sa biyahe pa-Real World. Na naguguluhan kung iyon na ang trabahong gusto niyang panindigan (na ikukonsulta kay Pangarap o Prinsipyo). Na inaakalang napunta sila sa isang madilim na dead end na walang dead end sign. Na kung saan ang tanging ilaw ay mula sa sarili at lumalamlam pa. Tsk, e hindi naman pwedeng sisihin ang Meralco.

Napakabata pa ng fresh grad para maging cynical na agad sa mundo. Oo’t na-disillusion nga, pero para saan pang naging fresh grad kung hindi innate ang pagiging optimistic? Sigurado ako, habang ang isang kamay ay nakapangalumbaba, ang kabilang kamay naman ay mahigpit pa rin ang hawak sa isang supot ng pangarap at idealismo.

Huwag lang mabubutas. ##


11.07.2006

Nasaan si Ilaya? Pakisoli. Asap.


Missed the Apo Hiking Society's concert for the third time. (Cried. Realized how shallow. Cried some more. Realized it was the APO.)

Missed the Asian premiere and only screening of "The Science of Sleep" at the Cinemanila Film Festival 2006 opening. (Three texted "syet Tonet, ang ganda talaga". The degree of "ang ganda talaga" varied each time. Cried. Realized how shallow. Cried some more. Realized it was the Michel Gondry.)

Was told I was worthless during a TV commercial shoot as a production assistant-in-training. (Almost cried. Realized how shallow. Almost cried.)

Started writing an essay four weeks ago. Haven't written 30 until today. (You don't understand. I really want to write for that newspaper.)

Tried changing my blog's template. Lost my tagboard and precious links instead. (Didn't cry over that. Slammed the laptop's keyboard instead. Realized it was the laptop of my sister.)

Read about another APO concert on September 8. (Thank you. You promised.) Was suddenly grateful for Pinoy Dream Academy. Oh, and Philippine Idol too, I guess.

Crosses fingers for a certain project. (Please cross your fingers for me too.)

Crosses fingers for Friday. (Please cross your other hand's fingers for me too.)

Almost died of an almost car crash. (Didn't have to cross fingers for that.) Thanked God. Thanked God. Thanked God.

Trying to be back. Trying again.

Starting to feel nauseous.

Syet, English yun a.


10.02.2006

Bos, dibidi ng "The Science of Sleep"?

Ang surreal love story nina Clementine (Kate Winslet) at Joel (Jim Carrey) sa Eternal Sunshine of the Spotless Mind ni Director Michel Gondry ang isa sa mga natatanging pelikulang pag-roll ng end credits, napatigil na lang ako sa ganda.

Definitely one of the best love stories ever written and made. Classic.

At ngayon, sa wakas, isa na namang surreal love story mula sa kanya: The Science of Sleep, starring Gael Garcia Bernal ("Y Tu Mama Tambien", "Motorcycle Diaries") and Charlotte Gainsbourg (kung sino ka man, please text me for your filmography).




Binasa ko ang review ni Ross Anthony at nang mabasa ko ang "The [filmmaker takes] advantage of old super 8 film animation to bring Stephane’s sleep life onto film" at "cardstock cutout city buildings" at "flying sequences", hindi na ako makapaghintay panoorin ito.


At Ser Michel Gondry, salamat sa inspirasyon na binigay mo. (Ay di ka nga pala nakakaintindi ng Tagalog. Pero dahil alamat ka, eto ang translation.) And Sir Michel Gondry, your films inspire me and bring me to another place. In Filipino, salamat.

Balang araw, gagawa ako ng surreal love story. (Tumatanggap ako ng producers kahit Linggo.)

* * *

Clementine: This is it, Joel. It's going to be gone soon.
Joel: I know.
Clementine: What do we do?
Joel: Enjoy it.
--Clementine and Joel, nang malapit nang mawala ang memory nila ng isa't isa forever, "Eternal Sunshine of the Spotless Mind"

10.01.2006

:-) at *

"I like dead end signs. I think they're kind. They at least give the decency to let you know you're going nowhere."
--Bugs Bunny


Tignan mo nga naman si Bugs Bunny. Kuneho lang siya pero may dunong din palang tinatago. Akala ko ba sa mata lang mainam ang carrots?

Siguro naman may patutunguhan ako. Mahirap kalaban ang kainipan at ka-boring-an. Ngayon tuloy bumabalik sa isip ko ang mga bagay na gusto ko din nga palang gawin. Nang nakangiti.

Gusto kong maging writer (para sa isang mini-dyaryo).

Gusto kong subukang mag-pottery.

Gusto kong umakyat ng Sagada.

Among other things.

May patutunguhan naman siguro ako. Naku, di pa naman uso ang dead end signs sa Makati.

* * *

"Pagdating sa dead end, liko kayo."
--instruction ng kaibigan ko papunta sa bahay nila

* * *


Dumeretso kami ni Glenn (na ang trabaho ay mga mahal nya talaga--pagsusulat at online games, ayos) nung September 25 sa North Court ng Rockwell Powerplant Mall para sa End Frame Video Art Project. Sinwerteng nakasali ang experimental film kong "it feels so good to be alive." Syempre, late kami.





Mga 20 yata yung na-exhibit, kasama ang mga gawa ni Adjani Arumpac ("Ab Ovo") at ni Ser Ramon "Astro, Astro Cigarette" Bautista ("Persistence of Vision"). (Yung gawa naman ni Kacey Pamintuan ("Freakshow") ay naka-exhibit sa Cubicle Gallery sa Maybunga, Pasig City.) Yey!

Natuwa naman ako. Lalo na't may cocktails at rumorondang sosi na macaroons at cakes. Pero hindi ko na kinaya ang wine. Baka mali pa ang paghawak ko sa baso, masamid lang ako.


(Sobrang salamat sa mga organizers ng End Frame Video Art Project at sa mga curators ng Cubicle Gallery sa paggawa ng ganitong venue para mas marami ang makapanood ng mga pelikulang pinaghirapan kahit hindi maintindihan. Salamat din kay Dohna Sarmiento ("Bleed") sa pagdaan kahit during work hehe.)

* * *

Kay Baby Ely Valencia:

Yan, binuo ko ang pangalan mo para paglaki mo at ginoogle mo ang pangalan mo, mapapadpad ka dito. Mag-tag ka ha. Sana buhay pa ito (at ako) nun. Mabuti naman at okey ka na :-) Wag ka mag-dodroga paglaki mo ha, bad yun. Mag-Milo ka na lang. May malt na siya ngayon. Napakinggan mo na ba ang Eraserheads? Dama ko kasing dun ka pinangalan sa bokalista nila. Peyborit ata siya ng Papa (at tito) mo e.

Ate Tonette :-)

* * *

Paging, Mace. Paging, Mace.

* * *

Nagkakwentuhan kami isang beses ni Kuya Marlon (ang utility boy namin sa opisina).

"Ma'am, si Ma'am Anhod* po ba may boyfriend na?" tanong niya.

"Wala," sabi ko.

"Ah, kaya pala siya maharot."

Ay.

*Pangalan ay binaligtad upang pansamantalang maprotektahan ang hinaharap. Malaki pa naman.)

* * *

Kinwento saken ni Anna Caluag (dating orgmate na officemate ko na rin Part 1):

Nag-guest daw si Ruffa Guttierez sa Master Showman Presents ni German Moreno. Binida pa daw niya lagi siyang nanonood nun, dahil nga kay Kuya Germs.

Tapos, mag-ko-commercial na. Request ni Kuya Germs, sabay nilang sabihin yung "tagline" ng Master Showman. At pumayag naman si Ruffa "Lagi Po Akong Nanonood" Guttierez.

Ang kanyang sinabi: "Walang... MATUTULOG!"

Ruffa, may tama ka!

* * *

"Ma'am, si Ma'am Ruffa** (dating orgmate na officemate ko na rin Part 2) po ba, may boyfriend na?"

"Wala"

"Ah, kaya pala siya mukhang malungkot."

Ay. Kuya, hobby mo ang mag-kumento?

**Pangalan ay iniba. Ginawang "Ruffa" for continuity.

* * *

Napag-alaman kong ang happiness, parang yung himala yan ni Nora Aunor. Sabi nga, tayo ang gumagawa ng sarili nating happiness.

May dead end sign man o wala. :-)

* * *

"Ikaw ang aking swerte."
--Swerte, Narda

9.10.2006

Halo-Halo (Kahit Ako'y Tinatrangkaso)

"Be patient is a virtue," bilin ko lagi kay Ilaya.

* * *

Isang nanay ang may makulit na anak. Sinasaway, sampa pa rin nang sampa sa galid ng escalator. Napagod na sa kasisigaw.

Nanay (sa anak): "I said stop that! How many times did I tell you that already?!"

Tumingin sa kanya ang anak: "Three."

Nagtanong ka kasi e. At least, magaling sya sa Math.

* * *

May nakita akong mag-babarkada, naglalakad sa sidewalk. Yung isa, naka-pula. Yung isa, naka-dilaw. Yung isa, hindi lang naka-blue. Naka-kalayaan blue pa.

Naisip ko, kulang na lang puti, bandila na sila.

At ako ay napa-tingin sa sarili. Sa aking damit.

Mga kapatid, intayin nyo si kalinisan white!

* * *

Ang tagal kong nawala sa sirkulasyon. Pagbalik ko, hindi na planeta ang Pluto, may oil spill na sa Guimaras, inaanay na ang aking tagboard, tapos na uli ang concert ng APO, at may trampoline na kami sa sala.

Tama si Ebe Dancel. Minsan, mabilis nga talaga ang ikot ng mundo. Ang resulta, biyahilo.

Pero wag nang choosy. May Bonamine naman sa suking tindahan.

Salamat kay Jim, Buboy at Danny (lalo na sa Ewan at Panalangin), kay Chard Bolisay, kay beybi_nova, kay Alexis Tioseco, kay Fatima Lasay (magandang sorpresa)
, kay Sir Ross at Sir Mari. Salamat sa kapeng Dohna at ES (minus yosi). Dobleng salamat kay KE, kay Mace, kay Ethel, at lalo kay Lakay.

Salamat sa Diyos.

* * *

"Gaano siya (ang kanyang papakalasan) kakaiba? Bakit siya ang napili mo?" tanong ko sa isang ikakasal nang artist-painter para sa kanilang wedding video.

Ang tagal ng sagot. Tahimik. Isang minuto. Tahimik pa rin. Dalawa. Tahimik pa rin. Hintay.

Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap sa camera. Ngumiti.

"Hindi ko maipaliwanag e."

Haay. At ako ay natunaw.

* * *

Sabi nila, lahat ng bagay, nangyayari dahil may dahilan.

Sa Karimlan, manalig, at lilipas ang lahat nang hindi mo namamalayan. Tapos, gaya ng dati, nasa iyo ang huling halakhak. Pero ngingiti ka na lang.

Lahat ng bagay, nangyayari dahil may dahilan.

* * *

"Ngunit kahit ano pa'ng sabihi nila / iwanan siya'y di ko magagawa."
--Mahirap Talaga Magmahal ng Syota ng Iba, APO Hiking Society

"Kasama mo."
--Awit ng Barkada, APO Hiking Society


"S'an na nga ba'ng barkada ngayon?... Magkaibigan / magkaibigan pa rin ngayon."
--San na Na Nga Ba'ng Barkada Ngayon, the APO Hiking Society
(ang biglang nagpaiyak sakin, with tissue, habang kinakanta nila sa ASAP)


7.30.2006

Kapag itong Film Major na 'to ang nag-review, lagot ang dinosaur

"Superman was in Manila at 10:55."
--sabi-sabi sa Superman Returns

Sa wakas, nakapanood na ko sa IMAX Theater sa SM Mall of Asia (kung saan bawal maligaw). Ang pinanood ko, isa pang sa wakas, Superman Returns.

Wow, ibang klase.

Ang laki ng moviescreen. Sabi ng voice-over, "eight storeys high" daw, pero hindi ako naniwala. Two storeys high lang ang SM Mall of Asia e. Pero hindi na ako nag-effort magreklamo. Hindi rin naman ako maririnig ni Voice-Over.

Nang magsimula na ang trailer para sa T-Rex: Age of Crutaceous, buti na lang hindi na ako nagreklamo sa eight storeys. Kahit marinig pa ako ni Voice-Over.

* * *

Nang sinuot ko na ang 3D glasses, wow, nabuhay ang nasa screen. Hindi parang pelikula lang. Parang nasa harap mo na talaga. Parang totoo.

Parang totoo, na nung lumipad si Superman, may mga batang pilit siyang inaabot. Parang two feet away lang.

Parang totoo, na nung nag-pa-practice si batang Clark Kent lumipad, parang andun ka lang katabi niya.

Parang totoo, na nung binuka na ng hinayupak na T-Rex ang kanyang hinayupak na bunganga sa trailer ng T-Rex, parang huling araw mo na sa Earth.

Wag mo akong pagtawanan kung umilag ako nang OA. Nanigurado lang.

* * *


Mr. Henry Sy, salamat na "eight storeys high lang" ang screen ng IMAX Theater.
Hindi ko na kaya na mas malaki pa sa eight storeys ang hinayupak na T-Rex na yun

Pero kung si Johnny Depp, sige,kahit 12 storeys high. Wag lang bilang dinosaur.

* * *

In fairness sa Superman Returns, nagustuhan ko, kahit hindi ako superhero movie fan. Nagustuhan ko ang pagka-direk. Nagustuhan ko ang mga shots na ginamit. Nagustuhan ko ang musical score.

Sayang nga lang na halos 15 minutes lang ang 3D parts ng pelikula.

Sabagay, kung nag-uusap lang naman si Lois Lane at ang kanyang boss ang sequence, hindi na kailangang i-3D pa.

Unless mag-special apperance si hinayupak na T-Rex.

Bad suggestion. Nawa ay hindi ako narinig ni Voice-Over.

* * *

Isa ako sa labis na naka-miss kay Rachel Greene sa Friends. Kaya ko rin siguro pinanood talaga ang The Break-Up starring Jennifer Aniston. Na parang si Rachel Greene pa rin.

Ang ganda. Ang gaan. Hindi na kailangang mag-isip. (Ipaubaya na yun sa totoong buhay.)

Nga lang, yung ending, hindi ko masyadong nagustuhan. Pangalawang version pala yun ng ending dahil mababa ang ratings na ibinigay ng test audience sa original ending.

Sayang, mas gusto ko pa naman yung original ending. Tipong mas mahaba pa dapat ang ngiti ko e, tapos biglang, ay.

The point is, napangiti pa rin ako.

* * *

"Ang almusal ay agahan."
--Martir Niyebera ng Kamikazee, version ni Ilaya

Isang Joyce, Dalawa Pang Joyce, at Isang Fan ng Isang Joyce

Sa kasagsagan ng kangaragan ng pag-edit ng nominees' video para sa Piling Obrang Video 2005 (last year) ng aking film org UP CINEMA, tinext ko si orgmate Joyce Cruz.

"Joyce, favor nman. Paki-txt naman sakin yung names ng nominess sa Best Director, Best Cinematograpy, Best Production Design, Best Actor, Best Screenplay, Best Editing. Sori kailangan lang talaga namin para matapos na kmi agad. Salamat."

Ang tagal ng reply. Urgent, urgent.


2366, wag kang magkamaling magtext ngayon, kundi mapapatay kita.

Matapos ang sampung minuto, sa wakas, nagreply si Joyce: "Sino po cla?"

Syet. Wrong send.

Si Joyce Bernal.

* * *

At in fairness sa 2366, iba ang nagkamaling magtext. Ayoko nga lang patayin ang sarili ko.

* * *

Isa akong fan ni Bb. Joyce Bernal.

Inaamin ko, hindi ko napanood ang karamihan sa mga nagawa niyang pelikula. Pero naging paborito ko agad ang Don't Give Up On Us. At pinanood ko ang Till There Was You ng opening day sa SM Megamall. At hindi na ako makapaghintay sa susunod niyang romantic comedy. Opening day ako, promise.

Pero kung si Judy Ann at Piolo uli, premiere night.

* * *

Ako ang nag-volunteer na kumontak kay Direk Joyce para maging speaker siya sa directing seminar para sa mga miyembro at aplikante ng UP CINEMA.

At nung July 26, naganap ang seminar sa Palma Hall sa UP kasama si Direk Mae Cruz (Because of You, Mga Anghel na Walang Langit).

Ang masasabi ko lang, wow. At Direk Joyce, pa-picture po.

* * *

Text sakin ni project head Frances Mortel (na paborito ko sa UP CINEMA) dalawang gabi bago ang seminar: "Tonet, ok lang bang ikaw ang mag-introduce kay Bb. Joyce sa seminar?"

Napatigil ako.

Frances, isang karangalan.

* * *

Sa Google, nag-search ako ng filmography at biography ni Direk Joyce: JOYCE BERNAL FILMOGRAPHY BIOGRAPHY.

At tsaraaaan.

May lumabas na website ni Joyce Jimenez.

Saan? Saan ako nagkamali??

* * *

"Nung editor kasi ako, kapag gusto ko yung pelikula, nilalagyan ko ng 'Bb.' yung pangalan ko. Pag hindi ko gusto yung pelikula, di ko nilalagayan.... E bakit ba kasi nangengealam kayo? E sa gusto kong ganun e!"
--Bb. Joyce Bernal, nung tinanong siya kung bakit niya nilalagyan ng Bb. ang pangalan niya

“Kung si Judy Ann at Onemig Bondoc [mga artista nya sa I’m Sorry My Love, first film nya] lang naman ang ididirek ko, gagamit pa ba ako ng style ni Wong Kar Wai?? Helloooo.”
--Bb. Joyce Bernal, explaining her supposed “style”

"Bilang editor, ang isang sobrang pangit na pelikula, hindi ko pwedeng pagandahin, pero pwede kong gawing konting pangit.... So paglabas ng audience sa sinehan, iisipin niya, 'Teka, parang ang pangit ng pelikulang yun.' Parang pangit lang. Hindi siya sigurado. At least hindi niya sinabing pangit talaga."
--Bb. Joyce Bernal, maparaang film editor

"Dati, nung nag-direk ako for TV, sinabi sakin ng producer ko, 'Joyce, kailangan mo mag-shoot ng 56 sequences in one day.' E helloooooo, 56 sequences?? So sabi ko, 'Sige po, ishu-shoot ko yan, pero pangit.' Ok lang daw. So shinoot ko nga. Ayun, pangit nga."
--Bb. Joyce Bernal, proving that she loves directing films more than TV

"Kami kasi ni Boss Vic [del Rosario, ng Viva Films], may personal na relasyon na kami niyan e. (pauses nang makita ang reaksyon ng mga tao) Pero hindi sekswal ha! Malaking boobs ang gusto ni Boss Vic. Wala ako nun! Pero kung pwede na siya dito (points to her chest), sige, ibibigay ko, mabigyan lang ako ng pelikula."
--Bb. Joyce Bernal on her directorial break given by Vic del Rosario

"Kapag may dinederek ako, paggising ko, yun ang iniisip ko. Pag tulog ako, yun ang iniisip ko. Pag kumakain ako, pag tumatae ako, yun ang iniisip ko. Pelikula na ang buhay ko e."
--Bb. Joyce Bernal, film director

* * *

Pagkatapos ng bentang-bentang talk ni Direk Joyce, at pagkatapos mabahiran ng madaming bagay ang isip ko, bumalik sa akin ang pagka-gusto kong maging isang mainstream film director. Courtesy of Bb. Joyce Bernal.

Oo, sunud-sunuran ka nga sa producer mo. Oo, pagbibigyan mo ang audience. Oo, kailangan kumita.

Pero ang sarap nga siguro ng feeling na pinilahan ang pelikula mo. Na sa halos lahat ng sinehan palabas ang pelikula ko. Na mula sa kolehiyala hanggang sa yuppie hanggang sa taxi driver hanggang sa labandera ay nakapanood ng pelikula mo. Na madami kang napasaya.

At dahil diyan, magiging direktor ako.

* * *

Direk Joyce, salamat sa sa pagpapatawa at pagpapakilig sa Till There Ws You. At sa mas lalong pagpatawa at pagpakilig sa Don't Give Up On Us. Sa “Oki.” at “Hahaha!” at “Hi Tonette!” At sa masayang picture sa aking cellphone. For the second time.

Fan na kung fan. Ni Joyce Bernal naman.

* * *

"Alam mo kung anong gusto kong sabihin sayo? Putang ina mo."
--Judy Ann kay Piolo sa Till There Was You


6.04.2006

Rueann, May Tama Ka (at Matt, Binoto Kita ng Dalawang Beses)

(Seryosong warning: Ilaya is afraid that this post may appear "mayabang" to you. Pasensiya. Promise, hindi ako nagyayabang. Naglalahad lamang. Natuwa lang ako sa mga pangyayari kaya sinulat ko dito. Okay? Salamat.)

Isa sa mga paborito kong gawin ay ang mag-channel surf. Dahil dyan ay natuklasan ko si Eleanor "Simasen Konnichiwa" Nishiumi sa Oh Tokyo!, at na Channel 116 pala ang ETC 2nd Avenue sa Destiny namin (dati). At dahil dyan din ay natuklasan kong may mga channels na hindi tumatagal ng tatlong segundo ay nililipat ko na uli ang istasyon. By choice.

Tulad ng NBN-4.

At kanina, ininterview ako dun (sa show na Sigaw Sining: Ugnayan sa NCCA para sa Saling Pusa). Masaya naman (dahil gusto ko pa rin talaga ang magsalita--Broad Comm nga pala ako dati), ngunit hindi man lang ako nasabihan na TV interview pala ang pupuntahan ko. Akala ko ay screening lang ng short films namin. Buti na lang magandang tsinelas ang nasuot ko.

Pero ayos lang. Magpupusta ako ng sampung piso, walang nakapanood nun.

* * *

Toot toot.

May nag-text. Si KE (BS Economics).

"Tonet! Nasa NBN ka!Ü"

Ayayay.

* * *


Buti na lang hindi bahay namin ang naipusta ko.

At oo, bukod sa Lotto, may ganung palabas sa NBN-4.

* * *

Nanood si Mama at Lia (BS Business Administration, undergrad) ng XMen 3 sa Market! Market! kasama si Rueann (na ngayon ay four years old na).

Sa reserved seating sila. Kaya kapag late, pasensya na lang.

Eh late sila.

Sabi ng tiketera sa kanila, "Bawal na po ulitin ha."

At natapos na ang XMen 3. At dahil masunurin, umuwi na agad.

Kinabukasan, sinabi ng mommy ni Rueanne sa kanya: "Anak, nood tayo ng Xmen 3."

Sagot ni Rue: "Sabi ng gwardiya, bawal daw po ulitin!"

* * *

At hindi naman pala daw nakita ang gold tsinelas ko sa TV.

* * *

"Hayayay yaya yayayay / Hayayayay."
--Don Romantiko, PBB Teen Edition Version
habang gumigiling si Papa Matt Evans sa likod na naka-Lastikman costume




6.03.2006

Sell-Out ang Itawag Mo sa Akin (Oh You Can Call Me Sell-Out Anytime Inihaw)


Sinwerte kami ni Glenn (image model ng "Early/Late to Bed, Still Always Late to Rise" campaign) na makapasok sa libreng directing workshop ni Direk Tikoy Aguiluz. Minsan, malakas talaga ako kay God. (O baka tama ang hinala kong anghel talaga ako sa past life ko.)

Iyon ang pers taym kong makagamit ng HD camera. Iyon ang pers taym kong makita ang pangalan ko sa clapper. Iyon ang pers taym kong maging direktor sa isang short film na hindi ko kilala ang kahit isa sa crew.

Kulang ang isang Hail Mary.




* * *

Pagkatapos dumaan sa job fair sa Glorietta, tumigil kami ni ES, Dohna at Glenn sa food court. Ang masasabi ko: kapag bad trip ka (dahil iniwan ni Ka-Holding Hands, o naholdap, o iniwan ni Ka-Holding Hands tapos naholdap pa), huwag na huwag kang kakain sa Binalot.

Ang mga pagkain ay tinatago sa pangalang Bopis-ticated. At Bistek na Walastik. At Anytime Inihaw na Bangus. At Vivo Tocino.

Isipin mo na lang kung bad trip ka (dahil hinoldap ka, ni Ka-Holding Hands). Hindi na maipinta ang mukha mo. Walang ni anino ng ngiti o ng dimple. Nagdidilim na ang paningin mo. Parang gusto mong pumatay. At parang gusto mong kumain sa Binalot.

"Miss, isang Vivo Tocino."

"Come again?" sabi ni Miss.

"Vivo Tocino."

"Policy po kasi namin, dapat with feelings."

At parang gusto mong pumatay ng Miss.

Sabi na, dapat nag-Jollibee ka na lang e.

Aloha Burger.

* * *

Kunwari May 1 ngayon. Happy birthday Ethel (na walang sawang bumabatok sa'kin kapag kailangan. Na isang patunay na malakas talaga ako kay God).

Kunwari May 14 ngayon. Happy Mothers' Day kay Mama (Na siyang MTRCB ng mga pelikula ko. Na nakuha ko ang katarayan at pagkahilig sa pagbutingting. Na bibigyan ko ng magandang buhay at bahay nila ni Papa. Promise.)

Yan, tapos na ang pagkukunwari.

* * *

Naaalala ko, sinabi ko dati, hinding-hindi ako mag-a-advertising. Ang hindi ko maalala e kung sinabi kong "swear to God, hope to die", dahil God, hindi pa po ako handang mamatay.

Nagpasa ako sa mga advertising production houses sa Makati. Pinag-iisipan ko pa kung magpapasa ako sa mga ahensiya. Oo, isa akong sell-out.

Para sa aking short-term goal na maluhong pantawid-gutom (inspired by Ate Rhana). Para sa aking not-so-short-term goal na maging medyo maaliwalas ang bulsa ng pamilya. At para sa aking long-term goal na maging direktor ng isang mainstream romantic comedy (ala-Bb. Joyce Bernal).

* * *

Dahil kahit may mga taong hindi nagtiwala dahil "inexperienced" at "sobrang OC" ako. At kahit tumitingin sa camera ang bidang artista sa kaisa-isang good take. At kahit hindi napalabas ang Saling Pusa sa Manila Hotel dahil hindi ako natapos mag-edit on time. At kahit may mga taong mahirap pakisamahan (na masarap pabilhin ng Bopis-ticated kapag bad trip sila). At kahit si Mama lang ata ang nagkagusto sa final cut. At kahit madami pa akong kakaining bigas (na sana kanin na pag sinubo ko). At kahit kulang ang isang Hail Mary at Glory Be.

Gusto ko pa ring maging isang direktor.

* * *

"And I'll be there on the next train."
--Where You Lead, Gilmore Girls Theme
(bumalik na si Papa Jess kaya peyborit ko na uli, at naiyak ako)

5.20.2006

Kapag Lalaki ang Bagyo, Siguradong OA (Based on a True Story)


Oo, binagyo kami sa Sorsogon. At Caloy, humanda ka. Kapag maging tao ka sa next life mo, ipagdasal mong hindi ako bagyo.

Sa loob ng tatlong araw, nakulong kami ng Team Bugsy (ang misteryosong pangalan ng aking high school barkada) sa bahay ni Migs (ang totoong pangalan ng boypren ni Tidoy, BS Management, ADMU). Walang tubig. Walang kuryente. Walang Pinoy Big Brother. Walang Matt Evans.

Pero may baraha. At may mga taong bored na bored na. At gustong pumatay ng bagyo.

Kaya bigla akong natutong mag-poker (at mag-poker face at mag-bluff) at mag-Psycho game at mag-pusoy dos. Kung may nadulot mang mabuti si Caloy, iyan ay ang pagturo sa aking mag-sugal.

On second thought, wala palang nadulot na mabuti si Caloy.

* * *

Pinatulan na rin namin ang Pinoy Henyo (yung pauso ng Eat Bulaga kung saan huhulaan ng player ang isang salita sa pamamagitan ng mga tanong na nasasagot lang ng "oo" o "hindi").

Ang pinapahula: HONDA CIVIC. Ang huhula: si Dana (BS Occupational Therapy, UP Manila).

Dana: "Sikat ba 'to sa Manila?" (Very creative question, Dana.)

Grupo: (may sandaling pag-iisip) "Oo!"

Dana: Kurtina?

Ay Dana, oo. Sa bandang Laguna o Batangas, hindi pa uso ang kurtina.

Dana: "Mahirap ba to[ng hulaan]?"

Grupo: Hindi.

Dana: So nalilito lang talaga ako?

And the winner for the most creative questions award is Dana.

* * *

Sabi na, walang bahay na walang kuryente at tubig, sa isang damukal na magkakaibigang magkakaibigan talaga.

* * *

Pero napag-alaman kong bagyo man, may damdamin din. At sadyang mabait talaga si God.

Sabado (May 13), bahagyang sumikat ang araw (na may kalat-kalat na pagkulog at pagkidlat), at nakapag-beach pa rin kami. Ito ang pers taym kong makatampisaw at maka-snorkeling sa white sand beach (at makapag-Ultimate Frisbee at sumayaw ng Don Romantiko sa dalampasigan).

At may iniwan siyang souvenir. Limang gasgas. At isang sugat na OA. Sa paa at binti ko.

Bwisit na corals. Patay na kayo, nakakasakit pa rin kayo. Rest in peace, will ya?

Magkasabwat kayo ni Caloy, no?




* * *

Ayon sa pagsasaliksik, ang mga butanding (na makikita sa Donsol, Sorsogon) ay hindi kumakain ng tao. Ang kinakain daw nila ay mga planktons lamang. Kung paano naging ganoon kalaki ang mga butanding nang planktons lang ang kinakain, ayoko nang itanong sa kanila. Baka magka-ideya pa sila at biglang maging carnivore.

In fairness, nang tumalon na kami sa speedboat at tinignan ang butanding na lumalangoy sa ilalim namin, hindi nga siya kumakain ng tao.

Ang saklap siguro kung sinoman ang aksidenteng makain ng butanding, no? Hindi ko alam kung ano ang mas masakit: ang makagat niya, o ang tanggapin na napagkamalan kang plankton ni butanding.

* * *

Sa totoo lang, kahit binagyo kami, wala pa rin tong kasing-saya. As expected.

* * *

"Pagdating ng panahon / baka ikaw din at ako
Bakit hindi panain ang kanyang damdamin
At nang ako ay mapansi-hn."
--Pagdating ng Panahon-Mr. Kupido Disco Remix,
Pauso ni Ish (BS Computer Science, UP Diliman)