"Joyce, favor nman. Paki-txt naman sakin yung names ng nominess sa Best Director, Best Cinematograpy, Best Production Design, Best Actor, Best Screenplay, Best Editing. Sori kailangan lang talaga namin para matapos na kmi agad. Salamat."
Ang tagal ng reply. Urgent, urgent.
2366, wag kang magkamaling magtext ngayon, kundi mapapatay kita.
Matapos ang sampung minuto, sa wakas, nagreply si Joyce: "Sino po cla?"
Syet. Wrong send.
Si Joyce Bernal.
* * *
At in fairness sa 2366, iba ang nagkamaling magtext. Ayoko nga lang patayin ang sarili ko.
* * *Isa akong fan ni Bb. Joyce Bernal.
Inaamin ko, hindi ko napanood ang karamihan sa mga nagawa niyang pelikula. Pero naging paborito ko agad ang Don't Give Up On Us. At pinanood ko ang Till There Was You ng opening day sa SM Megamall. At hindi na ako makapaghintay sa susunod niyang romantic comedy. Opening day ako, promise.
Pero kung si Judy Ann at Piolo uli, premiere night.
* * *
Ako ang nag-volunteer na kumontak kay Direk Joyce para maging speaker siya sa directing seminar para sa mga miyembro at aplikante ng UP CINEMA.
At nung July 26, naganap ang seminar sa Palma Hall sa UP kasama si Direk Mae Cruz (Because of You, Mga Anghel na Walang Langit).
Ang masasabi ko lang, wow. At Direk Joyce, pa-picture po.
* * *
Text sakin ni project head Frances Mortel (na paborito ko sa UP CINEMA) dalawang gabi bago ang seminar: "Tonet, ok lang bang ikaw ang mag-introduce kay Bb. Joyce sa seminar?"
Napatigil ako.
Frances, isang karangalan.
* * *
Sa Google, nag-search ako ng filmography at biography ni Direk Joyce: JOYCE BERNAL FILMOGRAPHY BIOGRAPHY.
At tsaraaaan.
May lumabas na website ni Joyce Jimenez.
Saan? Saan ako nagkamali??
* * *
"Nung editor kasi ako, kapag gusto ko yung pelikula, nilalagyan ko ng 'Bb.' yung pangalan ko. Pag hindi ko gusto yung pelikula, di ko nilalagayan.... E bakit ba kasi nangengealam kayo? E sa gusto kong ganun e!"
--Bb. Joyce Bernal, nung tinanong siya kung bakit niya nilalagyan ng Bb. ang pangalan niya
“Kung si Judy Ann at Onemig Bondoc [mga artista nya sa I’m Sorry My Love, first film nya] lang naman ang ididirek ko, gagamit pa ba ako ng style ni Wong Kar Wai?? Helloooo.”
--Bb. Joyce Bernal, explaining her supposed “style”
"Bilang editor, ang isang sobrang pangit na pelikula, hindi ko pwedeng pagandahin, pero pwede kong gawing konting pangit.... So paglabas ng audience sa sinehan, iisipin niya, 'Teka, parang ang pangit ng pelikulang yun.' Parang pangit lang. Hindi siya sigurado. At least hindi niya sinabing pangit talaga."
--Bb. Joyce Bernal, maparaang film editor
"Dati, nung nag-direk ako for TV, sinabi sakin ng producer ko, 'Joyce, kailangan mo mag-shoot ng 56 sequences in one day.' E helloooooo, 56 sequences?? So sabi ko, 'Sige po, ishu-shoot ko yan, pero pangit.' Ok lang daw. So shinoot ko nga. Ayun, pangit nga."
--Bb. Joyce Bernal, proving that she loves directing films more than TV
"Kami kasi ni Boss Vic [del Rosario, ng Viva Films], may personal na relasyon na kami niyan e. (pauses nang makita ang reaksyon ng mga tao) Pero hindi sekswal ha! Malaking boobs ang gusto ni Boss Vic. Wala ako nun! Pero kung pwede na siya dito (points to her chest), sige, ibibigay ko, mabigyan lang ako ng pelikula."
--Bb. Joyce Bernal on her directorial break given by Vic del Rosario
"Kapag may dinederek ako, paggising ko, yun ang iniisip ko. Pag tulog ako, yun ang iniisip ko. Pag kumakain ako, pag tumatae ako, yun ang iniisip ko. Pelikula na ang buhay ko e."
--Bb. Joyce Bernal, film director
* * *
Pagkatapos ng bentang-bentang talk ni Direk Joyce, at pagkatapos mabahiran ng madaming bagay ang isip ko, bumalik sa akin ang pagka-gusto kong maging isang mainstream film director. Courtesy of Bb. Joyce Bernal.
Oo, sunud-sunuran ka nga sa producer mo. Oo, pagbibigyan mo ang audience. Oo, kailangan kumita.
Pero ang sarap nga siguro ng feeling na pinilahan ang pelikula mo. Na sa halos lahat ng sinehan palabas ang pelikula ko. Na mula sa kolehiyala hanggang sa yuppie hanggang sa taxi driver hanggang sa labandera ay nakapanood ng pelikula mo. Na madami kang napasaya.
At dahil diyan, magiging direktor ako.
* * *
Direk Joyce, salamat sa sa pagpapatawa at pagpapakilig sa Till There Ws You. At sa mas lalong pagpatawa at pagpakilig sa Don't Give Up On Us. Sa “Oki.” at “Hahaha!” at “Hi Tonette!” At sa masayang picture sa aking cellphone. For the second time.
Fan na kung fan. Ni Joyce Bernal naman.
* * *
"Alam mo kung anong gusto kong sabihin sayo? Putang ina mo."
--Judy Ann kay Piolo sa Till There Was You
2 comments:
(itetext ko lang 'to dapat pero 0.98 nalang pala ang load ko; dito nalang pero censored)
mabuti nang yang pangarap na yan ang pinagtutuunan mo ng pansin. there are more things in life, diba. *wink*
Tama. *winks back*
Salamat mace!
Post a Comment